Cuarenta Y Ocho

127K 2.3K 54
                                    

Cuarenta Y Ocho

Aura

"Ano intact pa ba ang bataan mo?" Tanong ni Yenny kinabukasan ng umaga. May naglalarong mapangasar na ngisi sa mga labi niya habang nagaalmusal kami.

Inirapan ko siya. "Pinagsasasabi mo dyan? Syempre, nandito pa din!" Ani ko sabay kagat ng pandesal na sinawsaw ko sa kape na binili ko sa isang bakery na malapit samin kanina.

"Weh? Walang nangyari!? Impossible!" Hindi makapaniwalang sabi nito.

"Ang dumi talaga ng isip mo! Tigilan mo nga ako, babae ka, ke aga aga."

Sus, porket ba magkasama halos buong gabi ang isang lalaki at babae e dapat ng may maganap? Hindi ba pwedeng we're just happy to have each other's company?

Hinatid agad ako ni Theo pauwi pagkatapos naming manuod ng movie. Hindi naman naging awkward after non. Mas lalo pa nga kaming naging kumportable sa isa't isa. Wala na din namang use kung magiging pabebe pa ako.

Gumanti na nga ng halik tapos magpapabebe pa? Ano kaya yun.

Puro pang aasar ang inabot ko kay Yenny ngayong umaga. Hanggang sa makapasok kami ng trabaho. Medyo naririndi na nga rin ang tenga ko. Kung hindi ko lang talaga bestfriend 'to malamang matagal ko na tong hinulog mula sa rooftop ng ospital na'to.

Madaling lumipas ang mga araw. As usual, panay pa din ang panggugulo sa akin ni sir Luke. Grabe na ang pag iiwas na ginagawa ko. Minsan nga ay lumilihis na agad ako ng daan pag alam kong makakasalubong ko siya.

Kakaiba din ang mga tingin na ibinibigay nito sakin. Nakakakilabot sa totoo lang. Para siyang may gagawin na masamang balak. Hindi ko alam kung praning lang talaga ako o ano.

Mas naging close din kami ni Theo. May mga times na sinusundo niya talaga ako sa trabaho pagkatapos ng shift ko. Madalas na din kami kumain sa labas at mamasyal kung saan saan.

Aaminin ko, nasasanay na ako sa presensya niya sa buhay ko. Unting unti na din akong na-aattached sa kanya ng bongga. Hinahanap hanap na siya ng puso at isip ko palagi. Ganon ata pag nahuhulog ka na talaga sa isang tao.

Nagtataka nga ako kay Nanay. Minsan ay hinahanap niya sa akin si Theo at kinakamusta pa. Ganon din si Abby. Close na sila, ganon? Boto ata sila kay Theo e. Nahahalata ko. Kahit naman din si Yenny. Sobrang obvious.

Kasalukuyan akong nasa kwarto at may iniisip. Nakatanggap kasi ako ng job offer sa States. Na approved yung application na finile namin ni Yenny a month ago? Parehas kami nakuha, fortunately.

Eto na yung isa sa mataggal ko ng iniintay na mangyari pero sa hindi ko magawang maging masaya sa totoo lang.  Sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon, parang nagdadalawang isip tuloy ako.

Kailangan makuha ng agency ang final naming sagot by the end of this month which is around two weeks na lang, I think? Ipo-process pa kasi nila ang papers namin and all.

Si Yenny, sure yun na tatanggapin niya 'yon. Ayon talaga ang plano niya. Sobrang saya nga ng babae ng malaman namin ang magandang balita na 'yon. Kaya ayun tuloy, pumaparty ngayon.

Hindi ako sumama dahil hindi ko talaga feel. Gusto ko lang muna mapag isa and all. Alam ko naman na safe siya kasi kasama niya ang iba pa naming mga kaibigan. Iyong mga nakasama namin pumunta sa bar before.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon