Chapter 52 ♥ In Denial

20.6K 366 105
                                    

A/N:

Dedicated sa kanya. Its nice to meet another silent reader. Thank you so much and keep inspiring! Mwuah! <3

Happy reading Listeners! xD 

♥♥

Chapter 52

Ayesha Tolentino. Pamilyar ang apelyido nya. 

Hindi ko na narinig ang sigawan at tawagan ng crews sa paligid para sabihin na handa na raw ang lahat. Pagkatapos magpaalam sa akin nila Jace inilihis ko ang mga mata sa buong paligid. At doon, nagtama ang paningin namin ni Aiden. Nakatayo sya malapit sa tapat ng malaking puno, nakatupi ang mga braso.

Lumapit ako sa kanya. 

"Kailangan nating mag-usap."

 Nagtuloy tuloy akong maglakad sa pag-aakalang nakasunod sya sa akin. Nabigo ako. Tiningnan nya lang ako ng mga nangungusap at seryoso nyang mga mata. At pagkatapos nito, inilayo rin nya. 

"Para saan?" 

"Para dito. Para sa kahibangan na commercial na pinasok nyo." 

Nakita ko syang ngumisi. "You figured it out already?"

"Hindi ako tanga." Oh god. Please. Hindi nya lang alam kung gaano ko pinipigilan ang sarili na huwag burahin ang nakakainis nyang ngisi. Tumingin muna ako sa paligid para makasiguro na walang nakakarinig. "I know that this is not Jace's kind of style, its yours. You're playing dirty. Gagamit kayo ng isang inosenteng tao para makuha ang gusto nyo? C'mon. You are more trickier than I thought." 

Kaya pala palagi kong naririnig sa pag-uusap nila Aiden na may koneksyon ang kumpanya rito sa commercial. Kaya pala kahit ayaw ni Jace ay pilit itong pinagpipilitan ni Aiden sa kanya. Jace is losing the company. And this is the only resort that they have. Ang gamitin ang anak ni Mr. Tolentino laban sa kanya. 

Tumingin ako kanila direk na nagsisimula na. Tiim baga kong ikinuyom ang mga kamay bago muling humarap kay Aiden. "Itigil nyo 'to. Itigil nyo 'tong kalokohan na 'to. Marami pang ibang bagay. Marami pang ibang paraan." 

"Wala na. Ito na lang natitirang paraan." 

"Meron. Marami pa. Maghanap ka lang."

Natabunan ng inis kay Aiden ang selos na nararamdaman ko kanina para kanila Jace at Ayesha. Tumalikod ako pero marahas nyang hinila ang braso ko paharap sa kanya. 

"Akala mo ba madali lang itong desisyon na ito para sa amin? Inipit kami ni Pietr, Serene. At lahat ng yun dahil sayo!" 

Binawi ko ang braso ko sa kanya pero mas lalo nyang hinigpitan. Nasasalamin ng nagliliyab nyang mga mata ang akin. 

"Bitawan mo ako Aiden." buong pagtitimpi kong sambit. Puno ng banta rito.

"Hindi mo ba nakikita na dahan dahan na bumabagsak si Jace ng dahil sayo?" 

"Bitawan mo ako ngayon din kung ayaw mong magkagulo rito." 

"Matagal ko ng sinasabi sayo wala kang maidudulot na maganda kay Jace. Binigyan mo ng butas ang gang namin kaya ngayon, kami ang mas lubos na nahihirapan." suminghal sya at ngumiti. Gayunpaman, wala ni halong biro at saya ang mga ngiting iyon. "Si Jace ang laging pinupuntirya ni Pietr alam mo ba kung bakit?" 

Nanginginig kong ikinuyom ang mga kamay ko. He really knew how to press the demon inside of me. I can feel it surfacing... konti pa.

"Kasi mahal ka pa rin nya. Mahal na mahal na kahit na ba sino wala na syang sinasanto makuha ka lang. At ito namang si Jace isang malaking tanga. Imbes na gawin ang trabaho sa kumpanya, busy sya sa ibang mga bagay na wala namang may kinalaman sa kanya. Maeda Mora? Souta Kanagawa? Sayo lahat ng yun diba? Pero pilit nyang inaako at inaayos lahat habang hindi ka nakatingin. Kasi ayaw ka nyang nahihirapan. Nawala ang lahat nang pagkakataon nya na matalo si Pietr sa kumpanya ng dahil sayo. Kaya ngayon na may nakita kaming kakarampot na pag-asa para mabawi yun, ayaw mo? Masyado kang madamot. Hindi sayo umiikot ang mundo."

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon