Kabanata 35

12.1K 409 15
                                    

Kabanata 35

Presence

Hindi ko akalaing may mas aaga pa pala sa magaganap na guesting para sa akin. I should’ve known better. In show business, bibiglain ka na lang nila. They’ll think people weren’t busy as they were. Parang mababaliw ako dahil kagabi lang ako nakatanggap ng tawag na bukas magaganap ang guesting na kung saan nagkaroon ako ng pre-interview. And here I am right now, finding an attire to wear for the interview. Pwede akong pumunta doon nang naka-chef’s uniform but I don’t think it’s inappropriate. Mas pinili kong maghanap na lamang ng damit na mas komportable ako.

With all the clothes scattered on top of my bed, I chose the simpler one. Dahil nauuso naman, I chose an off the shoulder white blouse that cuts just above my navel and a high waist skinny jeans. Sa pagtingin ko sa salamin ay naisip kong sobrang simple para sa isang guesting. Hindi rin naman ako maarte sa susuotin at wala rin naman akong pakialam sa mga taong manunuod. I am a Chef, I know what I’m doing and if they don’t really like what I am presented to be, then that’s their loss.

I paired my outfit with my white ankle strap pumps. Huminga ako nang malalim bago ayusin ang dulong parte ng aking damit kung saan nagtatagpo sila ng waistband ng aking jeans. I glanced at my phone to check for the time. It’s already eight in the morning the show will start at ten o’clock. Nagpaalam na ako sa resto na sila na ang bahala muna at dahil importante itong lakad ko. My staffs teased about going into an instant celebrity and being featured on national tv. Tinawanan ko na lang iyon at nagpasalamat sa kanila nang batiin nila ako.

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok. Hindi ko na binuksan iyon at sinabi ko na lang na hindi naman naka-lock ang pinto. I knew it was just Tita Rima. Sa hinhin ng pagkatok ay nalaman ko kaagad.

“Handang-handa ka na talaga para diyan?” rinig kong tanong niya nang nag-aayos ako ng aking buhok. I did not bother curling it, instead I tied in a neat bun and left some strands at the side of my face.

“Put on some highlights on your face. Namumutla ka.” Komento ni Tita. Tumango ako bago kumuha ng make up kit at naglagay ng eye shadow. Beige complimented my top.

Naglagay ako nang kaunti bago nag-apply ng lipstick sa aking labi. I puckered my lips to spread the lipstick. Nang makuntento ako sa aking mukha ay napatitig na lamang ako doon. I suddenly felt nervous about this day. Sa sobrang kaba ko ay hindi ko na namalayan ang paghawak ni Tita sa aking kamay.

“Ang lamig ng kamay mo, Raya. Ayos ka lang ba?” tanong ni Tita nang marahan sa akin. Wala sa sarili akong napatango at napahingang malalim.

It’s just a guesting, Raya!
Hindi ka naman siguro kakainin ng mga tao doon! Relax!

I scolded myself. Nang maayos na ako ay nagpaalam na ako kay Tita. She whispered her good luck when I kissed her cheeks to bid goodbye. Ngumiti na lamang ako bago pumasok sa aking kotse.

The studio was a bit far from home and neither from my restaurant. Kailangan ko pang dumaan sa matraffic na daan dahil wala akong mahanap na lulusutan para makarating agad doon sa studio. I’m luck I’m a bit early. Hindi halatang kinakabahan ako dahil nagmumukha pa akong excited para sa guesting na iyon. Siguro ay dahil nagandahan naman ako sa pre-interview kaya naman medyo nae-excite din naman ako.

I parked my car on the underground parking. Iniiwasan ko ang iilang taong nandoon sa harap dahil karamihan ay mga paparazzi. May iilan pang nagtitilian doon sabay angat ng isang banner na hindi ko naman nakita ang pangalan kung sino yung tinitilian nila.

I texted Lia that I am already in the building. Nakasakay na ako sa elevator at hinihintay na lang na makarating sa floor kung saan kailangan pa akong i-briefing.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon