Epilogue

44.5K 1K 643
                                    



Zoe's POV

"Anong ginawa mo?!" nagulantang ako sa sigaw ni Silva kay Astra. Nagluluto kasi kaming tatlo ng almusal namin.

Nung una kami lang talaga ni Silva tapos dumating si Astra at nakigulo imbis na tumulong. Katulad ngayon, yung pancake ginawa mini pancake.

"Pinapatagal mo lang ang gawain eh!" sigaw ulit ni Silva.

Napailing ako. Ang aga aga.

"Ang cute kaya nito." lalo akong napailing sa sagot ni Astra.

Nagsipasok sila Minerva na kahit hindi pa tapos ang ginagawa namin nauna na silang kumain. Ang tibay naman ng mga 'to.

"Bakit ang liit nito? parang piso lang." sabi ni Chi sa pancake na niluto ni Astra.

"Kasing liit ba ng ano ng boyfriend mo?" asar ni Greta.

"Siraulo!"

Nagtawanan kami. Tinulungan naman kami ni Minerva sa pagluto at pinaalis si Astra dahil nanggugulo lang sya. Mabilis kami natapos sa pagluto kaya nakakain din agad kami.

Tanungan agad kami kung ano balak namin sa araw na 'to. Si Astra lagi sya nasa Shakers kaya wala ng bago don. Iniisip ko nga kung itutuloy nya ba talaga ang kasal o hindi. Wala naman kasi syang sinasabi tungkol don, yung mga pambwi-bwisit lang ni coach Rayna ang sinasabi nya. Pero nagtataka ako dahil close na close na sila ni Silva na dati naman hindi sila ganon kaclose na inaasar asar ni Astra si Silva.

"Waah!" napatingin kaming lahat kay Leah. "Zoe, trending ka!"

"Huh?" takang tanong ko. Kinuha naman ni Silva ang cellphone ni Leah.

"Oo nga, trending kayo ni Alexa. May sabi din dito na third party ka sa relasyon nila ni coach Rayna."

"Huh?!" kinuha ko sa kanya ang cellphone at tinignan.

May picture kami ni Alexa, ito yung kahapon nung kumain kami sa Mcdo. Tapos picture ni coach Rayna. Binasa ko ang mga nasa description. Madaming negative tungkol sakin. Kokonti nga lang ang positive at nagtatanggol sakin. Napailing ako.

"Famous." sabi ni Silva. Ibinalik ko ang cellphone kay Leah pero hiniram 'yon nila Minerva.

"Grabe naman puro negative. As if naman alam nila ang buong kwento." iling ni Minerva.

"Ganyan talaga ang social media kaya wag kayo agad maniniwala sa mga nakikita ninyo." sabi ni Silva.

Pagkatapos namin kumain. Kanya-kanya kami ng gagawin. Naghanda ako dahil pupuntahan namin ni Alexa sila Mama. Ilang minuto lang ang hinintay ko, dumating na sya. Agad ako pumasok sa sasakyan nya.

"Nakita mo ba yung nasa internet?" tanong nya.

"Alin? yung tungkol satin?" tumango sya. "Oo pero hindi ko naman pinapansin 'yon. Mas mahalaga sakin yung akin ka." nakangiting sabi ko. Napatingin sya sakin saglit at ngumiti. Mabilis nya din ibinalik ang tingin sa daan.

"Kinakabahan ako." napataas ang kilay ko pero napangiti din.

Hinawakan ko ang kamay nya na nasa manibela.

"Chill, alam mo bang nung pinakilala ko si Japan sa kanila, akala nila ikaw ang makakatuluyan ko." nakangiting sabi ko.

"Really?" natawa ako ng bahagya dahil bakas sa mukha nya ang tuwa.

"Yup tapos nakikinood din sila sa tuwing laban ninyo kaya alam kong matutuwa sila kapag nalaman nilang girlfriend na kita."

"Pero kinakabahan pa din ako." tumingin sya sakin saglit.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon