5 ~ The Only One

350K 11.3K 739
                                    

CHAPTER FIVE

HINDI nga nagkamali si Drake nang sinabi sa kanya na maaaring hanapin siya ng anak nito kapag nagising. Dahil totoo na hinagilap nga siya ng mata ni Blake pagkatapos unang mabungaran ang ama.

"Teacher," the kid call her and reach for her, stretching his weak arms.

Kaagad na tumayo siya sa inuupuan at dinaluhan ang bata. Sa gilid ng kama siya naupo, nasa likod niya naman nakaupo si Drake. Ramdam niya sa kanyang likod ang pamilyar na init na nagmumula sa lalaki.

While Maisie, is on the other side of the bed, trying to get Blake's attention but the little boy eyes is only on hers.

Halos mag-isang oras din siyang nagtiis sa loob ng clinic na iyon kasama ang dating kasintahan ang babae nito, si Maisie. Mabuti naman at nagising na ang bata.

Alexza held his little fingers and kiss it. Her sweet gesture comes naturally without even noticing it. She really have a soft spot for kids.

"Kumusta ang baby namin?" Malambing niyang tanong. On her back, she heard a soft groan, it was from Drake. Hindi niya iyon pinansin. Focus siya kay Blake. "May masakit ba sayo?"

"My head ache a little,"

Lumambot ang puso niya, gusto nang matunaw. "The nurse will give you medicine for headache, but you have to eat first, okay lang ba 'yon?"

Blake nod. "I want cookies, teacher."

Pansamantala siyang napatitig sa bata bago nilingon si Drake, malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa anak.

"Hindi cookies ang binili mo, di ba?"

Bumili kasi ito ng pagkain kanina kasama si Maisie at wala naman siyang nakitang cookies do'n.

"I did not expect him to eat cookies today," sabi ni Drake at bahagyang umusog upang hawakan ang hita ng anak.

Sa pag-usog nito ay automatikong dumikit ang dibdib nito sa likod niya, napanguso siya. Ang pamilyar na sensasyon sa pagdidikit ng katawan nila ay hindi nawala, hindi nagbago. Siguro ay siya lang ang nakaramdam niyon dahil mukhang hindi naman apektado ang lalaki.

"Bake cookies for me daddy..." Blake requested weakly.

"And Mama Maisie will help daddy to bake cookies for baby Blake, okay?" Masiglang sambit ni Maisie at matamis na nakangiti kay Blake.

Umismid siya. Hindi niya gusto ang babae at hindi rin siya nito gusto, alam niya iyon dahil matalim lagi ang bawat bato ng tingin nito sa kanya.

"I only want daddy's cookies tita Maisie," Blake whispered then look at her again. "And I want my teacher,"

"Huh?" Aniya. Hindi siya sigurado sa nais ng bata.

"Do you know how to bake cookies?"

"Yes," proud na sagot niya. Libangan niyang kainin ang cookies noon pa man magpahanggang ngayon lalo na kapag siya ang nagbibake. "I will bake you cookies, okay?"

"Now?"

Napangiwi siya at napalingon ulit kay Drake pero suplado itong nag-iwas ng tingin sa kanya. Ayaw yata nito ang ideya niyang magbibake ng cookies.

"Your daddy can bake you cookies later when you guys get home." Sabi niya na lang pero parang gusto niyang bawiin iyon nang makita niyang mas lalong tumamlay ang mukha ni Blake at hindi na nagsalita.

"Why don't we go home now little champ so daddy could bake you cookies?" Drake said patiently.

"That's a good idea. Umuwi na tayo para mas makapagpahinga si Blake." Si Maisie na tumayo na at kinuha ang mamahalin na bag sa side table.

Territorial Men 2: Drake Villafuente (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon