Kabanata 8

3K 107 5
                                    


Kabanata 8 : Panliligaw

Bumangon ako sa pinagkakahigaan ko at nakaramdam ako ng may matigas na nakadagan sa legs ko. kaagad akong napamulat ng mata at napagtanto ko na si Ace pala ang katabi kong matulog. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko ding wala siyang damit pang itaas at nakaboxer-short lang siya.

Hindi lang doon nagtatapos ang ayos namen dahil ang ulunan naman niya ay nsa bandang leeg ko pa.

" Ace, gising na ... papasok pa tayo sa school.." sabi ko pero hindi siya nagigising. Napakakomportableng matulog katabi niya at siya din parang ang sarap ng tulog niya.

Niyugyog ko siya sa balikat niya para magising siya pero wala parin akong magawa. Napatingin ako sa mukha ng lalaking katabi ko at pinagmasdan ang napakaperpekto niyang mukha.

May malapad siyang panga na nagpapabrusko sa kanya at isama mo pa ang bagong ahit niyang bigote. Napaka gwapo niyang tignan dahil natural na ata sa kanyang mukha ang kanyang napakagandang pagkakatangos ng kanyang ilong, idamay na rin naten ang kilay niyang napaka tingkad na pagkakaitim nito dahil sa napakadameng buhok.

" tapos kana bang titigan ang mukha ko ?" nakapikit na sabi nito at kaagad akong napaiws ng mukha sa kanya. Nakaramdam ako ng awkwardness ng idilat na niya ang mata niyang kulay brown na para bang kakulay nito ang masustansiyang lupa sa kabundukan.

Hindi ako nakasagot sa kanya at yumuko na lamang ako bilang pagtatago ng namumulang kong mga pisngi.

Iniangat ng kanyang kamay ang chin ko na naging dahilan para magtama ang aming mga paningin. Nakangiti siya ngayon at wari'y walang pakialam sa oras na nasasayang.

" napagtanto ko na komportable akong matulog sa tabi mo, nakatulog ako sa bandang leeg mo alam mo ba yun.. " nakangising sabi nito at mas naramdaman kong uminit lalo ang pagmumukha ko.

" ititigil ko na ang pinagsasabi ko dahil napaka pula na ng pagmumukha mo.." natatawang sabi nito at wala sa sariling nabato ko siya ng unan. Pagkabato ko sa kanya ng unan ay kaagad siyang lumapit sa akin at kaagad niya akong niyakap.

Siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko na siyang ikinaungol ko. ewan ko ba, napapaungol ako pag may humahaplos sa bandang leeg ko.

" sige, umungol ka .. ako lang dapat ang makakagawa sayo niyan.." para siyang predator sa kanyang pananalita habang ako naman ang kanyang prey na hindi makaimik dahil nadadala ako ng kanyang mga ginagawa sa akin.

" itigil mo nay an Ace, hindi na ako natutuwa.." seryoso kong sabi sa kanya at tumigil naman siya sa ginagawa niya.

" hindi ako natutuwa sa ginagawa mo sa akin,pinaglalaruan mo na ang damdamin ko.. kahit na alam mong crush kita sana respetuhin mo naman ako.. ayaw kong maulit ulit yung unang relasyon ko na hindi nag work.. pinaglaban ko ang kasarian ko sap eke kong magulang para sa kanya pero siya iniwan niya ako sa ere.. nakakaramdam na ako na mauulit ulit yon, sa katauhan mo naman.." naiiyak na sabi ko at muli kong naalala ang unang lalaking nangwasak ng puso ko.

" hindi ko siya gagayahin, trust me.. iba ako sa kanya at iba siya sa akin.. hinde kame magkatulad dahil unique ako.." maikling sagot nito at kaagad niya akong nahiga ng wala sa oras.

" nakita mo ba akong magmahal ? dahil pag nagmamahal ako ay binubuhos ko lahat ng makakaya ko para mapasaya ko ang taong nagdudulot sa akin ng ngiti.. isa akong tao na hindi hahayaang masaktan ang mahal niya.. kamatayan ang mapaghihiwalay sa akin sa mahal ko.. kung iniisip mong sasaktan kita tulad ng ginawa ng hayop na yon, inahin mo ko dahil masasaktan ka lang pag nagmamakelove na tayo.. doon ka lang masasaktan, tandaan mo yan.." maangas na wika nito at mas lalo akong pinamulahanan sa mga sinabi niya sa akin.

Hanggang Tanaw Na Lang Ba ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon