Chapter 53 ♥ I Understand

20K 388 51
                                    

Chapter 53

Ang lakas nang kabog ng dibdib ko. Wala sa sarili akong napahawak sa gclef pendant ko. Hindi pwede. Hindi pwede. Hindi pwedeng maging sya.

Nagmadali akong lumabas para makalanghap ng sariwang hangin. Pagkatapos ay inilabas ko ang cellphone ko para tawagan si Souta. Kailan kong malaman kung babae nga ba o lalaki ang narinig nyang boses na kasama ni Blow noong araw na iyon. Kailangan kong malaman para makasigurado ako. 

Isa, dalawa, tatlong ring. Sa paghihintay na masagot ang tawag ko pakiramdam ko ang bawat segundo ay halos ilang taon na ng buhay ko.

Hindi maaring mangyari ito. Ito na nga ba ang kinakatakot ko. Ang malaman kung sino nga ba ang tunay na traydor. 

Sinagot ni Souta ang cellphone sa ika-anim na ring. Pagkatapos itanong ang katanungan na unti-unting lumalason sa utak ko ay halos pigilan ko ang hininga ko. 

"Hindi ko na matandaan." 

Apat na salita... hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako natuwa at nadismaya sa parehas na pagkakataon. Masaya dahil hanggat wala akong mapanghahawakan na pruweba, hindi ko masasabing tama nga talaga ang haka haka na bumabalot sa isipan ko. Nadismaya naman ako sa ikalawang banda dahil iyon nga, hanggat may traydor hindi ako mapapanatag. 

Tinawagan ko si Jace pero hindi sya sumasagot. Tiningnan ko ang oras at nakita na medjo late na rin pala. Sa dami ng ginagawa nya ngayon siguradong natutulog na sya. Hindi ko na ulit sya inabala dahil alam ko naman na hinahabol nya rin ang tulog nya. Gayunpaman, nag-iwan ako ng voicemail sa kanya. Hindi ko itinago ang takot at lungkot ko rito.

"Jace... kapag gising ka na tawagan mo ako ah. Kailangan ko kasi ng kausap. Tungkol doon sa.... doon sa... traydor sa gang ko. P-pakiramdam ko.... kilala ko na kung sino sya."

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko at pabalik balik sa paglalakad. Kailangan ko ng makakausap dahil kung hindi, baka sumabog ang utak ko sa mga posibilidad na umiikot sa isipan ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa pendant ko na animo'y kumukuha ako ng lakas dito.

Si Niel ang sumunod na tinawagan ko para sabihin kung ano ang nalaman ko. 

Inalok nya ako na doon na lang muna ako manatili sa bahay nila habang hindi pa talaga namin nalalaman kung sino nga ba ang traydor. Inalok na rin ni tito si mama na sa bahay na muna nila manatili pero tulad ko ay hindi rin sya pumayag. Hindi raw kasi aalis si mama kung hindi ako sasama. Ayaw nya akong iwan dito sa bahay ng mag-isa. Pati si Jace magmula nang malaman na may traydor akong kasama sa bahay, gusto nya umalis na ako rito sa lalong madaling panahon. Pero tinanggihan ko rin kaya ngayon bukod sa Ellipses nagpadala rin sya ng ilan sa mga tao nya para bantayan ako. Tumanggi ako sa kanya dahil bukod sa parehas kami ng rason ni mama, ayaw ko rin namang iwan ang iba sa mga gangmates ko na inosente. Paano nga kung si Reece ang traydor. Paano sila Nyree, Kelly at Julian? Kung delikado ako ganun din sila. Ayoko silang iwan. 

Habang kausap pa rin si Niel sa kabilang linya ngayon, sinabihan nya ako na mag-ingat at tawagan ko sya kung kailangan ko nang tulong nya. Pagkababa ng cellphone ay pumasok na rin ako ulit sa loob at ngumiti sa harap nila na akala mo walang problema-- kahit na ba sa loob loob ko, nasasaktan ako. 

*** 

Matyaga akong naghintay sa labas ng bahay para hintayin si Jace. Sabi nya kasi sabay kaming papasok ngayon kaya hihintayin ko sya. Habang abala na inaaliw ang sarili sa bato na marahan kong sinisipa sipa sa baba, huminga ako ng napakalalim at saka tumingala sa langit. Agad kong ipinikit ang mga mata ko noong magtagpo ang tingin ko sa araw. Maaga pa lang pero mataas na ang sikat nito. Makakasama ko na ulit si Jace. May anong tuwa ang gumuhit sa mga labi ko.

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon