Cincuenta Y Tres

124K 2.4K 43
                                    

Cincuenta Y Tres

Aura

"Sana hindi mo na lang pinatulan.." I heaved a deep sigh. Nandito kami sa ngayon sa unit namin ni Yenny. Tahimik lang si Theo at seryosong seryoso pa din ang mukha.

"Hmp! Mabuti nga kay sir Luke 'no! Lakas ng tama sa ulo kaloka!" Ismid naman ni Yenny while crossing her arms above her chest. Nakaupo ito sa isang dining chair across samin ni Theo. Sinamaan ko siya ng tingin. Nang gagatong pa e.

Binaling ko ang tingin ko kay Theo. Kasalukuyan kong ginagamot ang pumutok niya na labi. Ayaw pa sana niya nung una dahil malayo naman daw ito sa bituka pero nagmatigas ako. Kailangan gamutin 'to.

"He deserves it. No one can hurt my woman. No one can claim you other than me." He declared in a cold and deep monotonous voice. Napatiim bagang ito.

Napalunok ako at hindi na nagbigay pa ng comment. Sabagay, may point din naman sila. Kung hindi ginawa ni Theo 'yon, baka kung ano na ang nangyari sa akin. Pinagtanggol lang naman ako nung tao.

Tinapos ko na ang ginagawa ko. Naalala ko, hindi pa pala ako nakapag pasalamat sa kanya sa ginawa niyang pagtatanggol sa akin. Nung nasa sasakyan niya nga kami kanina ay tinignan niya pa kung may galos o pasa ako. He was really worried. Making my heart melt.

Meron akong pasa sa braso pero hindi naman ito gaano kahalata though medyo masakit pag pipisilin. Sinabi ko na lang kay Theo na hayaan na lang si Luke dahil gustong gusto nito ulit sugurin ang lalaki ng makita ito. I hugged him tight inside his car until he calmed down.

"Uhm.. Salamat, Theo..." Napayuko ako. I bit my lower lip.

He cupped my face and angled it with his. Wala na ang galit at bagsik sa mukha nito. Instead, punong puno ng pag aalala at pagmamahal ang kanyang mga mata. He gave me a light peck on my lips. Not minding na nandyan si Yenny sa harapan namin.

"I won't let anyone hurt you, okay?"

We broke our gaze when Yenny cleared her throat. "E di kayo na ang sweet! Pasintabi naman oh. May single dito, hello!" She dramatically rolled her eyes. Making me and Theo chuckle.

Wala pa din kasing stable na lovelife 'to. Ewan ko ba dito. Biniro pa nga niya ako one time na maghahanap na lang daw siya ng foreigner na papakasalan para magka green card daw siya agad. Baliw talaga.

"Mag resign ka na lang talaga kaya, girl? Sa totoo lang natatakot ako para sa'yo e. Ganyan pala katindi ang tama ni sir Luke sa beauty mo. Baka kung ano na ang gawin nun sa susunod." Yenny suggested with so much concern laced in her voice.

Napahugot ako ng isang malalim na hininga. Actually, naisip ko nga din 'yan kanina habang pauwi kami. "Pag iisipan ko muna, Yens." Ani ko.

Napalabi ito. "Sus! Bakit kasi tinanggihan mo pa ang pag aabroad? May naghihintay ng trabaho para sa'yo dun. Sayang kaya!" She snorted. "Sabay na sana tayo aalis by the end of this year." Yenny added pagkatapos ay uminom ng tsaa.

Naramdaman ko bigla ang paghigpit ng hawak ni Theo sa bewang ko. He stiffened because of what Yenny said. Shocks. Hindi ko pa kasi nababanggit 'to kay Theo. He's probably confused right now.

"Mas masaya ako dito." Tanging nasabi ko. Hindi ko magawang tignan si Theo pero alam kong madami itong gustong tanungin sa akin.

Malalim na ang gabi ng mapagpasyahan ni Theo na umuwi. Hinatid ko siya hanggang sa parking lot kung nasaan nakaparada ang kotse niya. Tahimik lang ito at seryosong seryoso ang mukha. Parang may malalim na iniisip.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon