Chapter 1

134K 1.5K 59
                                    

Had No Mercy

by: BonitaBabyy

This is crazy! Inayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin at inilabas ang red lipstick ko at inilagay 'yon sa kissable lips ko. I smacked my lips together at ngumuso. Inayos ko rin ang hapit na hapit kong white uniform at binuksan ang dalawang butones niyon. I'm ready! Ugh! I forgot! Yung white cap pa pala. I rolled my eyes habang taas kilay akong tinitignan ng head nurse.

"RN Villena. Anong oras ka pa matatapos diyan? Aba! 6:10am na, hindi pa tayo nag-uumpisa sa endorsement" pasimple ko siyang inirapan at umupo na sa harap niya at inilabas ang aking notebook.

"Good morning po. Endorsing 18 patients." I rolled my eyes ng malaman kung gaano karami ang mga pasyente. Kalbaryo na nga sa akin ang isa tapos madami pa. Bakit ba kasi napunta pa ako sa ganitong field.

Wala naman sa personality ko ang pagiging nurse. Kung hindi lang ako pinilit at kinaladkad ni daddy sa university ay malamang artista o model ako ngayon. Yung wrinkles ko dumadami dahil sa toxic duty idamay mo pa yung mga thunders na doctor. Bibihira lang may maligaw na bagets at gwapong doctor. Irony nga naman talaga.

Matapos magpalitan ng shift ay nag rounds kaming mga morning shift at nagkanya-kanya na ng assignment para sa vital signs. Tss. Nakakasawa ang araw-araw na ganito! Napupuyat pa ako! Gosh! Kapag nagka-pimple or eyebags ako ay mag-quit na ako kahit na pagalitan pa ako ni daddy. Good thing at itinigil na nila yung pamimilit nila sa akin sa medical school.

Yes, nakapasok lang naman ako sa Nursing School dahil matalino ako at hindi naman sa nagmamayabang pero kayang kaya ko naman talaga ang medicine. Anong magagawa ko if beauty and brain talaga ako. Nang magpasabog ng biyaya ang Diyos ay sinalo ko lahat. I'm so pretty, hot, gorgeous and intelligent. Catch di ba? Hahaha. Hindi ako nagmamayabang, nagsasabi lang ako ng katotohanan.

"Villena! Bakit hinampas mo ng chart sa likod si Dr. Ang! Naku! Hindi mo ba alam na head surgeon siya? Gumawa ka ng incident report ngayon na!" Ugh! Gusto kong turukan ng Potassium Chloride sa jugular vein 'tong head nurse at lalo na yung Dr. Ang na 'yon! Ang kapal niya para hipuan ako! Ang pangit niya for goodness sake! Mukha siyang palaka!

"Ayoko nga. Hinipuan niya ako 'no!" padabog kong ibinagsak ang dala kong mga chart na ikinagulat ni Ma'am. Nagtaas lang ako ng kilay at nagkibit balikat. I'm bored! At bungangera pa ng head nurse namin. Paano naman ako makakatagal dito? Ayoko talagang mag practice pero ang kulit ni mom and dad. Pangatlong hospital ko na 'to. I'm glad hindi pa ako banned sa lahat ng private hospitals dito sa NCR.

"Paano ka naman hindi hihipuan! Ayos ba ng nurse yan?" tinignan ko ang white uniform ko. Okay naman ah? Ang sexy nga eh! Palibhasa kapag siya ang nagsuot ay mukha siyang suman. Pasalamat siya at hindi ko sinasabi ang mga nasa isip ko.

"You know what? I quit!" mabilis kong hinablot ang suot kong cap at tinapon 'yon. Everyday nalang ba ganito? Ang ganda ko para sigaw-sigawan 'no. Ang katulad ko dapat sinasamba dahil para akong Diyosa.

"Yvette! Yvette!" I waved "shoo" habang kinukuha ang bag ko sa may locker. Last na talaga ito. Hindi na ako magtatrabaho sa mabahong hospital!

"Goodbye Ma'am! Pakisabi sa Admin na pakidala nalang sa account ko yung sweldo ko for 1 week. 800 per shift diba? Bye!" I blew a kiss at mapanuya siyang kinindatan.

It's so easy to piss someone off. Gustong gusto ko talagang inaasar ang mga taong pikon. I'm such a meanie. Hahaha. I laughed out my ass at inilugay ang mahaba kong buhok. Mukha akong matino kapag naka bun ang buhok tapos lagyan mo pa ng white cap. Nakakakilabot! Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinawagan ang mga kaibigan ko. My Tropang Britney Spears. Yan ang tawag sa amin ni Ivan. I find it cool kahit pang-asar niya talaga sa akin 'yon.

The Virgin's First Night 8: Had No MercyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon