Chapter 52.5 ♬ Naughty Date

44.9K 807 51
                                    

Chapter 52

(Revised & Edited.)

 

 Serene's POV

 

"Hoy!! Kayong dalawa!! Bayad nyo!!" sigaw ng security guard at waiter ng resto. 

Hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba pero takbo lang kami ng takbo. Ayaw kasi naming maabutan ng mga padami na padami na security guard na humahabol sa amin. Nakaabot kami hanggang sa labas ng mall tapos ng makasigurado na hindi na kami makikita kung nasaan man kami. Nagtitigan kami ni Jace, in shock pa rin dahil sa ginawa namin. Ako kasi eh hahaha. Tapos bigla na lang kaming tumawa ng tumawa, hindi makapaniwala na nagawa namin yun at natakasan pa namin yung mga humahabol sa amin. 

Note to self: Pagdating ko sa bahay ipapabayad ko kay attorney yung nagastos namin. Kung kailangan kong bilhin yung resto gagawin ko. Hahaha. Pasensya na po nagipit lang kami.

Tinanggal na namin yung suot naming sumbrero at shades tapos naglakad lakad na kami sa park.

"Fishball!! Gusto ko ng fishball!!" Waaah! Fishball!! Namiss ko 'to! May nakita kasi akong nagtitinda  kaya agad ko syang hinila papunta roon "Ay may kwek kwek pa! Kikkiam saka isaw!!" 

Natunaw ata agad yung kinain namin kanina kaya ngayon gutom na naman ako.

"Gusto mo? Masarap 'to. Kuha ka dali libre ko naman ngayon."

"Akala ko ba wala ka ng pera?" 

"Kasya pa yung bente pesos ko jan." pinakita ko yung lukot lukot na bente pesos at saka pinitik pitik. "Ano sa tingin mong sasabihin ko sa kanila kanina? 'Heto po yung bente ko pambayad sa kinain naming almost nine thousand pesos lang naman'. Sa tingin mo matutuwa sila? Baka nga ibato pa nila sa akin 'to pabalik eh." 

Siguro kung hindi kami tumakas tiyak naghuhugas na kami ng pinggan ngayon.

"Manong ito po yung bayad." inabot ko yung bente pesos dun sa matandang nagtitinda at nanguha ng isang pagkain na nakatuhog sa stick. "Kuha na dali! Masarap 'to!"

"Ano yan? Malinis ba yan?" kunot noo nyang tanong.

Ang arte talaga nito kung minsan. Palibhasa kasi ngayon lang makakatikim ng streetfood.

Iniabot ko sa kanya yung isang stick pero nakikita ko sa mukha nya na nag-aalangan sya kung dapat ba nyang kainin o hindi. "Sige na, try mo lang naman eh." 

Hindi ko mapigilang matawa ng kaunti dahil sa itsura nya. Mukhang napipilitan eh.

"Ano? Anong masasabi mo? Masarap di ba?"

"Mmm... masarap nga!" tapos nanguha pa sya ulit dun sa tinda ni manong.

Kita mo 'to, kanina halos ayaw nyang isubo, ngayon hindi na sya magkandaugaga sa pagkain.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon