Chapter 54 ♬ Her Guardians

44K 768 67
                                    

Chapter 54

(Not so Revised & Edited. Dispensa mi amigos. LOL.)

 

Serene's POV

Takbo lang ako ng takbo at mula rito sa kinatatayuan ko nakikita ko na ang school. Hindi ako natatakot sa mga humahabol sa akin dahil ang totoo nyan mas natatakot pa ako sa magiging reaksyon ni Jace kapag nakita nya akong late na naman sa pinag-usapan namin. What a life. 

Konti pa Serene... Konti pang takbo at malapit ka na school...

Napapreno na lang ang mga paa ko ng hindi sinasadya. Tss hindi sila myembro ng gang na nakalaban ko sa Canada pero bakit nila ako hinahabol? Ano naman ang kasalanan ko sa kanila eh ngayon ko lang naman sila nakita? 

"Sumama ka na lang kasi sa amin miss. Hindi ka naman namin sasaktan eh, gagamitin ka lang namin para maging patibong." wika ni kuya #1 na humarang sa harap ko. 

"Patibong para saan?" o baka naman para kanino? Napaatras na lang ako ng akmang hahawakan na nya ang aking braso. 

"Syempre sikreto lang yun hanggat hindi ka pa sumasama sa amin." evil smile ni kuya #2 na sumulpot naman sa gilid ko.

Letse, mabilis rin pala 'tong dalawang 'to. Sinubukan nyang lumapit sa akin pero binigyan ko sya ng masamang tingin. Napaatras sya ng konti pero mas lalong lumaki ang ngiti nya sa kanyang mga labi.

"Ooooh, fierce. Gusto ko yan." --kuya #2

"Pero alam mo, naisip ko lang ah, bakit pa natin sya kailangan gawing patibong? Kung pwede naman na natin syang tapusin ngayon?" ngisi ni kuya #1 sa kasama

"Haha bakit mo naman nasabi yan? Gusto mo bang ikaw ang mawala kung hindi mo susundin ang plano?" sumbat ni kuya #2 sa kanya

"Isipin mo na lang pare, kapag nawala yang babaeng yan wala ng magiging kahinaan ang magiging pinuno natin at kapag nagkataon, ang gang na natin ang mas mamamayagpag kaysa doon sa kakumpitensya naten na kasosyo ni boss." 

Gang. Myembro sila ng isang gang. Ang tanong kanino? Saka 'susunod na pinuno?' Ang alam ko kasi magkakaroon lang ng bagong pinuno ang isang gang kapag papalitan na nila ang posisyon ng dati. Parang ako kay mama. Saka kakumpitensya nila? Anu yun? Teka nga ano ba talaga kinalaman ko dito? Mukhang away lang naman ito ng gang dito sa Pinas. Labas na ako doon. But in a second thought, malay mo may makuha akong impormasyon kung bakit nagkakagulo ang gangster world. Remember? Ako lang naman kasi ang sinisisi nila sa pagkawala ng ibang gangmates ng iba't-ibang grupo

"Myembro kayo ng isang gang?" kung hindi nila ako bibigyan ng impormasyon ako na mismo ang kukuha nito sa kanila. 

"Ms. beautiful, hindi ka ba napagsabihan ng mga magulang mo na 'huwag nakikinig sa usapan ng iba?' Alam mo kasi it's a sign of disrespect" sambit ni kuya #1 sa tono na parang bata ang kinakausap nya. Tss duh. Hindi naman po ako makikinig sa inyo kung hindi kayo mag-uusap sa harapan ko.

Napangisi naman si kuya #2. Pero ako hindi nagpatinag, at patuloy lang silang binigyan ng bored na look.  

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon