Chapter 56 ♬ One's Nightmare

43.4K 737 66
                                    

Chaptr 56

(Revised & Edited. Konti LOL. I just removed some smileys and such. Medjo okay naman na sya ng konti kaysa sa mga first chapters ng story xD Whew! Buti n lang. Less work! LOL. Enjoy!)

 Serene's POV

It's been a week.

It's been a week since I learned half the truth of my life. Half kasi alam kong hindi ko pa nalalaman ang lahat ng mga bagay na kailangan kong malaman. 

Family's mortal enemy - checked

Knowing Orion/Sharp/Pietr behind his mask - checked

Ngayong hindi pa namin alam kung sino nga ba ang tunay na kalaban sa paligid kailangan pa naming maging extra ingat sa lahat ng bagay. 

Napag-usapan namin ni Julian na kaming dalawa na ulit ang mamuno sa gang namin. Sa dami ng gulo at sa dami ng problema alam kong hindi nya ito kakayaning mag-isa. Kaya ang kinalabasan, ako na ulit ang leader ng 'The Intricate'. Nga pala, bilang welcome back daw nila Kelly at Nyree sa akin eh inayusan nila ako. Pero syempre hindi ako agad pumayag. Napakadaming maiisip ayun pa? Ang saya talaga. Kaya ang nangyari eh yung buhok ko na lang ang inayusan nila. Nakasimangot nga sila eh habang ibrini-braid yung buhok ko, hindi kasi nila malagyan ng make-up ang mukha ko. Buti pa nga kamo at hindi nila ginalaw yung bangs dahil kundi. hahaha wala lang.

"Kita-kits mamaya ate!" kaway ni Nyree pagdating namin sa harap ng classroom ko

"We'll be watching you." pahabol naman ni Kelly sabay tapat ng dalawang daliri sa mata na parang naghahamon. Napapailing na lang ako sa tuwa. Hay, mga bodyguards ko nga naman. 

Pagpasok ko...

"Oh its," kung sinuswerte ka nga naman o, kauma-umaga isang Clarisse ang bubungad sayo "the loser. From ugly duckling to a feeling beautiful swan. So kamusta ang linggo na hindi ka nakasama sa class outing? Na bored ka ba kaya naisipan mong maglaro ng ayos ayusan sa harap ng salamin?"

 As usual nagsitawanan ang mga alipores nya. 

"Oh Clarisse ikaw pala." lumapit ako sa kanya at saka ngumiti "Balita ko nag-enjoy ka daw sa pamumulat ng basura noong isang araw? Ganun ba kasaya yun? Hayaan mo next time hihingi pa ako ng extension para lang sayo. Alam mo, it's better to be an ugly duckling turns to a feeling beautiful swan kaysa naman sa isang pilingerang pretty princess turns to a poor pauper."

Nakita ko na parang uusok na yung ilong nya sa inis. Dahil isa ang topic na yun sa mga bagay na gusto na nyang kalimutan. Naaalala nyo pa ba yung araw na nagkaroon ng rambulan sa pagitan namin at yung araw na nakilala namin na ang bagong principal ay si Attorney Reyes? Kung ganun, tumpak! dahil yun ang sinsasabi ko

Flashback

"You got into trouble again, Ms. Lopez?" sabi sa akin ni Attorney sabay pakita sa akin ng 100000 megawatt smile 

"Yes sir, she's really in trouble. Sila po talaga ang nagsimula ng gulo kahit tanu--" 

Hindi na natapos ni Clarisse ang mga hinaing nya matapos senyasan ni Attorney este Principal (na pala) na kung pwede tumahimik na sya. 

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon