Chapter 59 ♬ Surprise! Surprise!

44.7K 836 78
                                    

Chapter 59

(Revised & Edited.)

Serene's POV

    Ang lamig... ang lamig lamig. Nararamdaman ko ang pagpatak ng malamig na tubig sa balat ko pero bakit? Nasaan ako? 

     Ihip ng hangin... napakalamig. Bakit napakadilim? Wala akong makita. Niyakap ko ang sarili ko sa sobrang lamig. Nasaan ako?

     "Serene..."

   Unti-unti minulat ko ang aking mata. Napakabigat. Ano bang nangyayari sa akin? Tinig. Nasaan nanggagaling? Kay ganda ng himig, parang musika sa paligid...

    "Serene..."

    Dumungaw dungaw ako sa paligid ngunit hindi ko pa rin makita kung saan nanggagaling ang tinig. Tumayo ako kahit nanginginig pa rin ang buong katawan ko sa lamig. Nasaan ako? Nasaan nanggagaling ang tinig na naririnig?

Doon nakita ko sya... isang pigura ng lalaki nakatayo di kalayuan sa akin. Hindi ko makita ang itsura nya dahil natatakpan sya ng dilim. Kahit malabo, kahit hindi ko sya makita, alam ko nakatingin sya sa akin na may ngiti sa kanyang mga labi. 

     "..... I Love You."

     "Sino ka? Jace ikaw ba yan?" Sinubukan kong lumapit ngunit sa bawat hakbang na ginagawa ko mas lalo syang lumalayo sa akin. 

     "Teka sandali wag kang lumayo!"

     ".... I Love You."

Napahinto ako sa kinatatayuan ko at napatingin sa ngayon ng dalawang pigura na nasa harapan ko. Nasaan ba ako? Sino sila? Bakit hindi ko sila makita?

      "Serene please...don't give up on me... I love you so much it hurts..."

     Sino ba sila? Naguguluhan na ako. Dalawang pigura ng lalaki na naghihintay sa akin na lapitan ko sila. Pero sino ang pipiliin? 

    "Aaaaaaaah! Tulong!" lumulubog. Unti unting lumulubog ang konkretong sementong kinatatayuan ko. Ito na kaya ang magiging katapusan ko?

     

Nahuhulog....

Nahuhulog na ako....

Nakita ko pa ang mga tingin sa kanilang mga mata, walang magawa kundi makita akong mahulog sa mundo ng kawalan. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit hindi nila ako tinutulungan? Akala ko ba mahal nila ako pero bakit kung kailan ko sila kailangan doon nila ako iiwan? 

 

    "Serene!" narinig ko pang paulit-ulit nilang sigaw. Ngayon ko lang napansin na pilit nilang sinusubukang makalapit sa akin para tulungan ako pero hindi nila magawa.

Kadena? Kailan pa nagkaroon ng kadena sa katawan nila? Nakita ko sa mga mata nila ang lungkot at pagmamahal, nagniningning hanggang sa tuluyan na ngang naging luha. 

 

     Bakit? Bakit sila umiiyak? Nakikita ko pa lang ang lungkot sa kanilang mga mata parang ako na din ang nasasaktan. Sino? Sino ang pumipigil sa kanila? Ayaw ba nila kaming maging masaya?

 

     "Aaaaaah!" naririnig kong sigaw. Sa sobrang lakas hindi ko man lang namalayan na nanggagaling na mismo ito sa aking mga labi. Mahuhulog na ako... wala ng magliligtas sa akin.... 

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon