Cincuenta Y Cinco

124K 2.3K 44
                                    

Cincuenta Y Cinco

Aura

"Why do you keep on rolling your eyes at me?" Nakakunot noo na sabi ni Theo sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala!" I hissed.

Maya maya lang ay ihininto ni Theo iyong sasakyan niya sa gilid. Hindi ko alam kung nasaan kami. Bahala siya dyan. Naiinis ako.

"Can you just tell me why? What's your problem, baby?" He let out a deep sigh. Alam kong nagtitimpi ito sa kagaspangan ng ugali ko ngayon.

I rolled my eyes at him for I don't know how many times already. "Iyong babae mo. Sinugod ako kahapon." Pinilit kong maging kalma habang sinasabi iyon sa kanya.

Alam ko naman na patay na patay iyong babae na 'yon sa boyfriend ko. Ang hindi ko lang maiintindihan e kung bakit hindi pa din siya tinitigilan nun hanggang ngayon. Sinabi na ba niya sa babaeng 'yon na taken na siya? O baka naman hindi kaya ganon umasta?

"Babae? You're my only woman. What the hell are you saying? Tsaka sinugod? Huh?" Naguguluhang sagot niya sa akin.

Padabog kong iniligay ang bag ko sa likod na upuan at inis na hinarap siya. "Sinugod lang naman ako nung babae mong kulay pula ang buhok! Sa pagkakatanda ko, Scarlett ata ang pangalan non!"

I saw how Theo stiffened because of what I've said. He didn't answer immediately. Mukha pa nga siyang nabahala e. Maya maya lang ay nakita ko ang pag tiim bagang nito at ang pagdilim ng kanyang mukha. Mukhang hindi nito nagustuhan ang nalaman.

"Did she hurt you?" He said in a deep and low cold voice. Bahagya akong kinilabutan dahil dito.

Napalunok ako ng marahas. "A-Ah.. oo.. Nahatak niya ang buhok ko pero nanlaban ako.." I looked away dahil nakakatakot ang mga tingin niya. Hindi ko kaya makipag eye to eye sa lalaking 'to ngayon.

Bahagya akong napatili sa gulat ng hatakin niya ako para yakapin ng mahigpit. I can sense his protectiveness very clearly. Bakit? Anong meron?

"She's not my other woman or whatever you girls call it. I'm sorry dahil wala ako para ipagtanggol ka kahapon. No one is allowed to hurt you. She'll pay for it, don't worry." Aniya in a sudden calm but fierce outburst. His grip tightened on me.

Nakaramdam naman ako ng kung anong haplos sa puso ko. Maybe that girl is just too crazy and obsessed with Theo. Sabagay, hindi ko naman din siya masisisi dahil kakaiba talaga ang karisma ng lalaking 'to sa mga babae.

Masanay ka na, Aura. Madami pang ganyang mga babae sa susunod..

Ani ko sa isip ko.

For some reason, I felt scared for her. Baka kasi kung anong gawin ni Theo dito. Ayoko na din na makausap pa siya ng boyfriend ko. Hindi ako makakapayag na.

"Uhm.. wag na.. hayaan mo na siya. Ayokong makikipag kita ka dun. Tutal, hindi ko na hahayaan na dumapo maski daliri ng kamay niya sa akin." I said to calm him as I hugged him back. Ayoko na din kasi palakihin pa ang gulo.

Narinig ko lang na humugot ito ng isang malalim na hininga at tumango.

"I love you." I bit my lower lip as I whispered that to him. A blush crept up on my cheeks. Para akong teenager sa asta ko ngayon. Medyo nahihiya pa nga ako pag naglalambing sa kanya pero bahala na kahit na mukha akong ewan.

He let out a light and amused chuckle. "I love you more, baby."

Tagapagsalaysay

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon