ALWAYS

249K 10.7K 13.3K
                                    


I GOT TO SAVE KLAY!


Kailangan kong barilin si Rogelio! Pumikit ako at kinalabit ko ang gantilyo ng baril. Shit! Hindi ko siya tinamaan!


Binitawan ni Rogelio si Klay. Lumingon siya sa akin at tinitigan ako nang masama.


Napaatras ako. Lagot!


Biglang siya nanakbo nang mabilis papalapit sa'kin!


Pinaputok ko ulit ang baril kaya nasapol ko siya sa braso. Ngunit tulad ng iniisip ko, parang hindi niya alintana sakit. Wala na siyang nararamdamang sakit!


Binaril ko ulit siya. Sapol siya sa dibdib.


Binaril ko ulit siya. Binaril ko siya nang binaril hanggang sa maubusan ako ng bala!


Napaluhod siya sa sahig habang nakatitig sa akin. Dilat ang kanyang mga mata pero hindi na gumagalaw ang mga ito. Nakangiti siya sa akin ngunit hindi na siya humihinga.


Nasapol ko pala siya sa ulo!


Bumagsak siya sa sahig nang wala ng buhay.


Hindi ako makapaniwala sa nagawa ko. Demonyo man siya o tao, napatay ko siya.


Napahagulhol ako matapos kong bitawan ang baril. Nabuwal ako sa pagkakatayo at napalupagi sa sahig pagkatapos. Tulala lang akong lumuluha habang nakatanaw sa kisame.


Ano ba itong nagawa ko? Bakit pakiramdam ko ay wala na akong pinagkaiba sa mamamatay taong pinatay ko?


Pero malaya na kami. Dapat akong matuwa, hindi ako dapat makonsensiya. Patay na ang diablo. Siguro pati ang kaluluwa ni Corazon ay mananahimik na. Dahil tapos na. Tapos na...


Gumapang si Klay papalapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at kinabig niya ako palapit sa kanya. Sumiksik ako sa dibdib niya. Lalo akong napahagulhol nang maramdaman ko ang yakap niya.


Hinagkan niya ang aking noo. Para bang sinasabi niya na ayos na ang lahat. Inalo niya ako na wag na akong umiyak.


Malaya na nga ba talaga kami? But why I couldn't be happy? Bakit ganito pa rin ang kabog ng dibdib ko? Bakit pakiramdam ko, hindi ako tuluyang nakawala? Bakit natatakot pa rin ako? Malaya na kami pero paano nga ba mabubura sa isip ko ang lahat ng ito?


Paano ko makakalimutan ang nangyari kay Green? Ang mga namatay sa harapan ko? Ang takot na naramdaman ko?


Paano ko ba bubuuin ang sarili ko? Paano na ba ako pagkatapos ng lahat ng mga nangyaring ito?


Naramdaman ko ang mainit na hininga ni Klay na dumampi sa aking mukha. Umuga ang balikat niya bago ko silipin ang kanyang guwapong mukha.


Casa Inferno (The heart's home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon