Chapter 12

28.5K 891 8
                                    

Nandito ako sa hospital at nagpapagaling sa natamo kong sugat. Hindi na ako makadadalo sa birthday ng lola ni Stefano. Puro pasa ang face ko at hindi pa ako maayos maglakad. Nagkaroon ako ng bali sa isa kong paa dahil sa pagkakahulog ko sa hagdan. 'Buti na lang hindi tumama ang ulo ko sa semento.

Hindi ko makapaniwala na mangyayari sa akin ito. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang may nagtaka ng masama sa akin.

Napaluha na naman ako ng maalala ko ang nangyari. Muntik na akong ma-rape. Nagpapasalamat ako at dumating si Mikael. Kahit hambog ang lalaking 'yon malaki ang utang na loob ko sa ginawa niyang pagliligtas sa akin.

"Babe..." tawag sa akin ni Mikael. Parang may pag-aalangan sa kanya nang lumapit sa akin. Baka kasi iniisip niyang matatakot ako sa kanya dahil sa trauma sa pangyayari. Nakaka-trauma naman kasi. Hindi ako kumibo at tanging pagluha lang ang nagawa ko. I saw concern in his eyes.

"I promise to you, babe, magbabayad kung sino man ang may gawa nito sa iyo." Pangako niya sa akin. Kita ko ang pagtagis ng kanyang bagang. He is mad   Naging seryoso ang mukha nito. Rumagasa na naman ang masagana kong mga luha. He gently caress my back. Kahit ayokong magpayakap tinanggap ko ang mainit na yakap ni Mikael. I feel safe with him.

"Do you feel okay now?" Tanong ni Mikael sa akin nang bitawan niya ako mula sa pagkakayakap niya. Umiling ako. Paano ako magiging okay? Natatakot ako na baka bumalik ang mga taong iyon at gawan na naman nila ako ng masama.

xxxxx

NAKATULOG na ni Felicity. Awang-awa ako sa kanya. I can't stand seeing her cry. She may not speak as a result of the trauma she has experienced.

I'll be in the hospital for a while. I waited for her parents to return before leaving. I'm going to file a case against the people who assaulted her, and I'm going to find out who's the mastermind.

Nag-aalala rin ako dahil ilang araw na siyang hindi nagsasalita. Iyak lamang siya nang iyak. Nahahabag ako sa hitsura niya.

Her parents consulted a Psychologist expert to the person who suffered trauma. She will go through therapy to return to her normal life.

"Bro, may lead na kami kung saan naroon ang babaeng salarin." Natawa si Alexandro. Nagsalubong ang kilay ko dahil bakit siya natatawa. This is a serious matter. May nakakatawa ba? Seryosong usapin ito.

"Seryoso ang pinag-uusapan natin tapos nakukuha mo pang tumawa." Inis na turan ko sa kanya.

Siya ang may hawak ng kaso kaya panatag akong mareresolba ang kaso ni Felicity. Saka nangyari iyon sa nasasakupang lugar ng pinsan ko. Kaya may right siyang makialam sa paghuli sa mga suspect.

"Bro, 'yang babaeng may pakana ng lahat ex mo pala iyan, eh. Si Sgt. Mae Lucena. Baka may ginawa kang hindi niya nagustuhan kaya naghihiganti. Tuloy nadamay pa ang pobreng si Felicity." Binigyan ko lamang siya ng matalim na tingin. Hindi ko naman ex ang babaeng iyon.

Katrabaho ko lang siya. Hindi maikakailang may gusto ang babaeng iyon sa akin. Ngunit hindi ko naman pinapansin ang mga patutsada niya patungkol sa nararamdaman niya para sa akin.

"She isn't my ex-girlfriend, kaibigan ko lang siya. Wala siyang karapatan na saktan ang mahal ko. Hindi niya dapat idinadamay ang walang kasalanan dito. Dapat ako ang harapin niya kung alam niyang nasaktan ko siya hindi ang ibang tao." Saad ko.

"So ano kakasuhan ko na ba? May evidence naman. I will issue the warrant of arrest." Tumingin sa akin ang pinsan ko. Tumango ako.

"Gawin mo ang nararapat sa babaeng iyon." Wika ko.

"Sayang pa naman ang sexy at ang ganda ng ex mo bro. Hindi ka man lang tinalaban kahit kaunti? Iyong tipong pakakasalan mo na. " Natatawang biro ng pinsan. Napalayo ito ng ambaan ko ng suntok.

"I told you she is not my ex!" Singhal ko sa kanya. Napataas ito ng kamay na parang sumusuko. Napailing na lamang ako. Tarantado talaga ang lakas mang-asar. 

Copyright©2017
All Rights Reserved
By coalchamber13




BARAKO SERIES 1 My Mister Soldier( Mikael Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon