Chapter 38

175K 2.8K 1.1K
                                    

Humahangos na pumasok sila Dara, Iko, Storm, Araya, Clinton, Venus, Elo at Venice sa loob ng infirmary ng school nila.

“Anong nangyari kay Chin?” tanong agad ni Dara kay Thunder na syang tumawag sa kanila.

“Let’s go somewhere. May sasabihin ako sa inyo.” Naunang lumabas si Thunder at napasunod naman sila.

Medyo nagtataka din sila sa kinikilos ni Thunder. Si Dara gustuhin man nyang puntahan ang best friend eh hinugot na ni Iko para sumunod sa kanila .. sinulyapan nya pa ito na nakahiga at pikit na pikit ang mata.

“What about it?” tanong ni Elo ng makarating sila sa likod ng Infirmary.

“Saan sila Cliff at Chelsea?” tanong nito ng nilibot ang tingin sa mga kaibigan.

“Oh gosh! Cliff just text me .. nasa hospital daw si Chelsea.”

“What? Ano ba ito may virus ba na kumakalat sa campus at isa isang nagkakasakit ang mga students?” takang tanong ni Venus.

“Well maybe .. That’s Kara’s virus.” Mataray na sabi ni Venice na ikinangiti ni Elo. Well her baby is back.

“Thunder .. what’ it all about . sabihin mo na kaya .. hindi yung nagpapabitin ka pa ..” sabi ni Iko sa pinsan.

Huminga muna ng malalim si Thunder bago nagsalita. “I know who’s LoveBug is.”

Natahimik  ang mag babae at napatingin sa isa’t isa ..  samantalang ang mga lalaki ay nagkibit balikat lang .. di naman big deal sa kanila yun ..

“Spill it out.” Ani ni Clinton.

“Chin. Chin is LoveBug.”

“Oh my gosh!” gulat na gulas na sabi ni Venice.

“OMG.” Sabi naman ni Venus.

“Weh? Totoo?” di makapaniwalang sabi ni Araya.

“I can’t believe it.” Nasabi na lang ni Dara.

“You need to believe me guys .. at hindi big deal dito kung sya ba si LoveBug or hindi .. what’s my point is .. may sakit si Chin.”

Doon sila natahimik lahat ..

“Anong klaseng sakit?”  lakas loob na tanong ni Dara.

“Hindi ko pa alam .. basta may ininject sya sa sarili nya.”

“So .. anong balak natin?”  pero bago pa sila makasagot sa tanong ni Dara ay nakita na nila ang isang black SUV na pumarada mismo sa harap ng infirmary .. lumabas doon ang isang babae at lalaki ..

“Ayan yung parents ni Chin!” nabiglang sabi ni Dara.

Nagmamadali silang sumunod sa mga ito at ang naabutan nilang scene ang nakapagpatigil sa kanila .. may telang naka harang sa mga pasyente kaya naman hindi agad agad makikita ang mga tao.

“Chin.. I already say na tigilan mo na ito .. ngayon bumabalik na naman ang sakit mo .. “

“Mom .. doctor na nga ang nagsabi diba na walang kasiguraduhan if makakasurvive ako sa operation .. why not ienjoy ko na lang ang buhay ko .. I’m happy with my friends. Sila po ang nagpapasaya sakin. Baka lalo lang akong mamatay kapag lumayo ako sa kanila.”

Rinig nila ang mga sinabi ni Chin kaya naman napatungo na lang sila.

“Pero hindi natin malalaman ang mangyayari kung hindi tayo susugal ..”

“Mom ok na po ako .. uuwi na ako ..” doon napalingon ang lalaking nakatalikod sa kanila. Hinala nila ito  ang Daddy ni Chin.

Para naman naramdaman nito na gusto nilang makausap si Chin kaya dahan dahan itong nag give way .. si Dara ang unang nagpakita kay Chin .. na ikinalingon ng Mommy nito.

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon