Ang Ating Tahanan

810 3 1
                                    

Ikaw at ako, parehas tayong Pilipino.
Sigurado din ako na sang-ayon ka dito.
Hindi man parehas ng apelyido, kapatid pa rin ang turing ko sayo.
Magkapatid tayo sapagkat parehas tayong nagmula sa bayang ito.

Galing tayo sa iisang bansa.
Isang bansa na kung saan bawat tao'y nagkakaisa.
Asahan mong nagsasabi ako ng totoo.
Dahil sa bansang ito, lahat ay nagtataglay ng sariling husay at talino.

Sa bansang Pilipinas, hindi nauuso ang salitang "kalungkutan".
Sapagkat lahat ay nagagawa pa rin ngumiti kahit may mga problemang pasan-pasan.
Lugmok man sa kahirapan, hindi pa rin sumusuko sa laban.
Kung kaya't ipinagmamalaki ko sa buong mundo na ito ang aking tahanan.

Ipinagmamalaki ko ito kahit hindi ito perpekto.
Dahil wala pa namang bansa na tumutumpak sa kahulugan ng salitang ito.
Subalit, umaasa pa rin ako na balang araw magiging possible iyon.
Kung saan ang ating bansa'y magiging simbolo ng katagang "beauty and perfection".

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon