MALDITA 30

998K 22.3K 8.1K
                                    

Maldita 30

First day ko sa trabaho, nakaka-stress. Ibang-iba ang pakiramdam at ang pagod kumpara noong estudyante pa lang ako. Bigla ko tuloy na-miss ang pagiging buhay estudyante ko. Wala akong ibang proproblemahin kung hindi ang pumasok sa School at ipasa ang lahat ng subjects ko. Hindi ko lubos maisip na ganito pala ka-stressful ang maging empleyado. Hindi pala talaga biro ang kumita ng pera, medyo naguilty naman ako dahil sa halos araw-araw kong pag-sho-shopping. Ngayon alam ko na kung bakit patuloy pa rin sa pagtratrabaho sina Mommy at Daddy, para hindi mabawasan ang kayamanan namin at lalo pa kaming yumaman. Aba, kung tatambay lang kami pare-pareho baka maubos ang pera namin sa sobrang luho ng pamilya namin.

Sa sobrang spaced out ko, malapit na ako sa main door ng bahay noong mapansin ko ang iba't-ibang klaseng bulaklak sa labas. Bumalik ulit ako sa pinanggalingan ko para makita kung gaano kadami ang bulaklak na nandoon. Nakarating ako hanggang sa may gate at hanggang doon may bulaklak.

Bakit may flower shop sa loob ng bahay ko?

"Daldalita! Daldalita!" Sigaw ko habang papasok ako sa loob ng bahay. Pagod ako galing sa trabaho at gusto kong magpahinga. Pero instead na makapagpahinga ako, 'eto ako na-sstress.

"Yes, Ms. Avah?" Nakangiti nya pang bati. Bakit nakukuha nyang ngumiti kapag badtrip ako? Hindi ako makakapayag na ang kaligayahan nya ay ang makita akong badtrip!

"Paki-explain nga kung ano 'yung mga nasa labas pati itong mga 'to?" Itinuro ko pa ang mga bulaklak na nasa loob ng bahay.

"Bulaklak po, hindi nyo po alam? Ang ganda po 'di ba?" Aba at ginawa pa akong tanga. Pumikit ako at huminga nang malalim para kontrolin ang inis ko.

"Umayos ka nang sagot mo at baka maranasan mong lumabas ng bahay ko nang hindi sumasayad ang paa mo sa lupa." Banta ko.

"Paano po 'yon? Lilipad po ba ako? Wow." Nag-isip pa sya at saka humanga sa nabuong imahinasyon sa utak nya. Pumikit ako at nagbilang hanggang lima para pigilan ang sobrang inis ko sa katangahan nya.

"Hindi. Gagapang ka..una ang mukha." Sagot ko sa kanya at iniwan sya doon na nakatanga. Umakyat na lang ako papunta sa kwarto ni Avy. Hindi na ako kumatok sa kwarto nya at basta na lang pumasok. Naabutan ko syang nakaharap sya laptop nya at ang tumutugtog ng piano gamit ang Application nya sa iPad nya. Kung late sya sa movies, ang dami naman nyang alam sa music. She's a big fan of Sara Bareilles at ito nga she's playing 'Bottle It Up' if I'm not mistaken. Sa dami na nyang beses tinugtog 'yon, alam ko na.

"Bottle It Up on the loop?" Tanong ko. Ngumiti naman sya sa akin at kinanta ang chorus.

"Only thing I ever could need, only one good thing worth trying to be and it's love, love, love, love. I do it for love, love, love." Kanta nya at saka ngumiti sa akin.

"You're good. Anyway, bakit ang daming bulaklak sa labas ng bahay at pati na din sa loob. May namatay ba?"

"Nakita mo na pala...ang gaganda 'di ba?" Nakangiti nyang sagot.

"Paanong hindi ko makikita eh nagmistulang flower shop ang bahay ko? Kanino ba 'yon?" Inis na inis na sabi ko sa kanya.

"Sa'yo. Ikaw naman hindi ka marunong maka-appreciate ng maganda. Hindi mo man lang ba tinignan kung kanino galing?" Makahulugang tanong nya.

Kanino nga ba? Wala akong idea kung sinong baliw ang magpapadala ng ganoon kadaming bulaklak. Hindi naman pwedeng mga kaibigan ko? Lalong hindi naman sina Daddy at Mommy. Imposible din naman akong bigyan ng bulaklak ng mga haters ko.

"Kanino naman nanggaling 'yon?"

"Kay Neo." Ngiting-ngiting sagot nya.

Natigilan ako sa sagot nya. Ano daw? Kanino daw nanggaling? Bakit naman ako bibigyan ng bulalak ng lalaking 'yon? As far as I know, hindi naman kami ganoon ka-close. Sure, medyo nakapag-usap kami noong pagkatapos ng renovation ng School graden, pero it doesn't mean na close na kami or nagbago na ang tingin ko sa kanya. Forever na ata syang mayabang para sa akin.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon