Chapter 6

186K 4K 338
                                    

HE kissed Samantha at the event last night. Hindi halik ng lalaking may pagnanasa kundi halik ng isang nanunuyo. What the heck is wrong with him to kiss her just to pacify her? Eh, ano naman ngayon kung isipin nitong may nangyari nga sa kanila ni Yelena sa comfort room. In the first place that's the plan; to continue what he's usually doing. Go out with folks and paint the town red like a bachelor. Wala siyang planong habang buhay manatali sa kasal na ito. Si Samantha mismo ang makikipaghiwalay sa kanya dahil hinding-hindi niya ito bibigyan ng isang ideal na asawa; ideal na pamilya. Iyon ang plano niya at kailangan niyang mag-stick sa planong iyon dapat.

"Mayor, nandito na tayo." Napukaw siya sa malalim na iniisip ng boses ni Simon na nakaupo sa passenger seat sa unahan. Sumilip siya sa labas ng bintana. Nasa tapat na pala sila ng mansiyon. Umibis siya ng sasakyan. Saglit na napatitig sa sasakyang nakaparada sa unahan ng kanyang sasakyan. Sasakyan ng kanyang lolo iyon.

"Nandiyan na si Senator?" tanong niya sa armadong bodyguard na nakatayo sa bungad ng mansiyon.

"Nariyan na po, Mayor. Kakarating-rating lang." Tumango siya saka tinungo ang pinto. Kasama niya si senator na nagtungo sa Manila nang sunduin niya si Samantha at nagpa-iwan na muna. Gusto niya nga sanang isama pabalik dito, hindi dahil gusto niya ang presensiya ng abuelo, mas gusto niyang malayo ito. Ang kaso lang, ang kanyang Mama naman ang inaatake ng anxiety kapag nakakasama nito ang matanda kaya ayaw niyang naglalagi ito sa bahay ng kanyang magulang kapag nasa Manila ito.

Hindi pa man siya nakakapasok ay malalakas na boses na ni Senator ang narinig niya at mukhang si Samantha ang kausap nito. Mukhang alam na niya kung bakit napaaga ang uwi nito. Kanina habang nasa children foundation siya ay nakatanggap siya ng tawag mula sa abuelo dahil nga sa kinasangkutang gulo ni Samantha kagabi lang.

Natigil si Wilson sa pagpasok nang makita ang dalawa. Samantha occupied his grandfather's designer king throne in royal blue with gold wood finish designed by the famed Brazilian designer from Sao Paulo. She was sitting with her legs crossed, arms rested on armrests, nose in the air. Relax na nakatitig ito kay senator na nagbubunganga.

"Don't you dare mess up my name! Why can't you just behave?"

"Ano ang gusto mong gawin ko? Magmukmok sa tabi habang ang asawa ko ay nakikipaglandian sa iba? Umiyak nang umiyak at kapag hindi na kaya ang bigat ng nararamdaman ay magpakamatay katulad ng ginawa ng asawa mo?"

Nahigit ni Wilson ang paghinga sa sinabi ni Samantha. Hindi niya nakikita ang ekspresyon ni Senator pero sigurado siyang nanggagalit na ito. Walang sino man ang nagtangkang pagsalitaan ng ganoon ang kanyang abuelo. Siya ang biglang kinabahan, ramdam na agad niya ang galit ng kanyang abuelo hindi pa man ito nagsasalita.

Mabilis na humakbang si Wilson para awatin sana si Samantha nang bigla itong tumayo at humakbang palapit kay senator at matapang nitong hinarap ang matanda. Ang titig nito. Iyon ang nakakuha ng kanyang pansin. Mabalasik ang titig na ibinigay nito kay senator; titig na hindi nito ginawa kailan man kahit na kanino. Kahit kay Yelena pa. May galit na ikinukubli ang mga mata nito.

"I was born ready for a battle, senator. I was battening down the hatches for a fierce storm," she said, showing no fear. Para itong munting kuting na humaharap sa tigre pero ubod ng tapang.

"Alam mo bang galing na akong impyerno? Bumalik lang ako rito para isama ang masasama sa mundo... So if I were you magbago ka na, malay mo isa ka sa isama ko. Hindi ka ba takot makaharap si Satanas?" Ang matapang na anyo ni Samantha ay unti-unting nagbago at...

"Joke!" she guffawed.

"I'm just kidding, lolo. Relax lang po kasi... tingnan mo ang uban mo, bumaba na sa kilay. Mamaya niyan mas bumaba pa 'yan," Samantha chuckled.

Fatal Attraction 3: La Impostora Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon