Chapter 7: Physical training

100K 5K 1.3K
                                    

NAKAHARAP ako sa laptop ko ngayon, pinagmamasdan ko ang mga litrato ng mga taong gumagamit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAKAHARAP ako sa laptop ko ngayon, pinagmamasdan ko ang mga litrato ng mga taong gumagamit. Nagbasa-basa rin ako ng mga information tungkol sa magic. Nakasaksi na 'ko ng mahika, pinatunayan na 'to sa akin ni sir Joseph pero ang hirap lang kasi paniwalaan na totoo itong nag-e-exist.

Yung assignment na pinagawa niya ay ni-google ko na lang, hindi ko na rin binasa dahil nakakatamad, ang haba. Idi-discuss din naman ni sir iyon kung kaya't bakit ko pa aaralin?

Nakatulala ako sa screen nung laptop nung mag-pop up sa facebook ko na nag-a-aya ng video call si mama. Halos ilang araw na rin pala ang lumipas simula nung nag-dorm na ako dito sa school.

Kinuha ko ang earphone na nakapatong sa kama at ikinabit sa laptop ko. I answered the call. "Jamieee!" malakas ang pagkakasabi ni mama na mukhang excited talaga siyang Makita ako. Sa bagay, ito ang unang pagkakataon na nagkahiwalay kami ng matagal.

"'Ma, kung makasigaw ka naman. Baka masita ka na naman nung mga kapit-bahay nating galit sa mundo." Natatawa kong sabi.

"Wala akong pakialam sa kanila, minsan lang kita Makita. Kumusta ka naman diyan, anak?" Tanong ni mama at saglit akong napatahimik. "Anak?"

"Ah... parang ayos naman po." Hindi ko masabing ang weird nung mga naging karanasan ko sa school na 'to, bukod sa mahihirap ang subjects ay kakaiba rin ang pinag-aaralan naming sa class zero.

"Parang? Hindi ka ba Masaya diyan?"

Pilit akong ngumiti upang mawala ang pag-aalala ni mama. "Hindi ako fully okay, 'ma. Wala kayo sa tabi ko eh. Kayo ba kumusta diyan?"

Nagkwentuhan na kami ni mama at tumagal ang usapan naming hanggang alas-onse nang gabi. In-end niya na ang tawag dahil napapagalitan na rin siya ni mama dahil gabing-gabi na rin. Pagkatapos naming mag-usap ay plano ko na ring matulog nung makatanggap ako ng text from unknown number.

From: 0935*******
Good evening, class zero This is sir Joseph. We will meet tomorrow, 4:30pm at school fields.

Ha? Bakit naman namin kailangan pumunta doon bukas? Ipinatong ko na sa mini cabinet ang cellphone ko at natulog na ako.

***

"JAMIEEE!" Isang malakas na sigaw ni Aris ang sumalubong sa akin matapos ang klase nila. "Totoo ba ang nasagap ng Bluetooth ko? May PE class daw mamaya sa fields ang buong class Zero?" Tanong niya sa akin.

"Naunahan mo pa 'ko, hindi ko nga alam na PE pala ang klase namin mamaya." Sabi ko naman sa kanya.

"So totoo nga ang balita? Buti na lang prepared kami, mga 'te!" sabi niya at may isang Manila paper na inilabas si Diana at Casey. Binuksan nila ang manila paper

GO, SEVEN! WE LOVE YOU!

"'Diba!? We're so prepared, girls scout kami!" Sabi ni Aris at kunwari pang humawi ng buhok ang bakla.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon