Chapter 8: Awakening power

93.1K 5.1K 1.7K
                                    

NOONG mga sumunod na araw ay talaga namang nakakapagod ang ginagawa namin sa Class zero pero habang tumatagal ay nasasanay na rin naman ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NOONG mga sumunod na araw ay talaga namang nakakapagod ang ginagawa namin sa Class zero pero habang tumatagal ay nasasanay na rin naman ako. Minsan ay magkakaroon na lang kami ng biglaang Physical activity (Minsan 'di ako uma-attend), minsan naman ay magbabasa-basa kami tungkol sa magics (tinutulugan ko lang), ang pinakagusto ko lang na ginagawa namin ay kapag nagdi-discuss si sir (dahil hindi ako nakikinig at nakikipagkwentuhan ako kay Kiryu.)

Nung mga unang araw ay hindi ko alam kung bakit naming ginagawa iyon, pero habang lumilipas ang mga araw ay naiintindihan ko na ito, mas dumadami ang kaalaman ko pagdating sa mahika at mas mataas na ang endurance ko at hindi na ako madaling mapagod.

"Masyado ka yatang nagiging busy sa class zero," sabi ni Nick sa akin habang nasa library kami. Nagkataon lang na nagkita kaming dalawa dito. Nagtatago kasi ako kanila Aris dahil natalo ako sa pustahan and siya naman ay nagbabasa ng mga math books.

"Maraming ginagawa sa class zero, eh." Sabi ko na lang. Totoo naman na maraming ginagawa sa class zeropero hindi pangkaraniwang gawain ang lahat ng iyon.

"Katulad nang?"

"Haha! Secret, basta marami." Sagot ko sa kanya. Naaalala ko pa rin naman ang sinabi sa amin ni sir Joseph na huwag ipagsasabi ang kung anong nangyayari sa loob ng class zero. Nag-e-enjoy na rin naman ako sa mga pinag-aaralan namin at ayokong mapaalis doon.

"Come on, hindi mo ba ako mabibigyan ng information kung anong pinag-aaralan sa class zero? Para sa next na magkaroon na exam ay makapasok na ako." Sabi niya sa akin, oo nga pala, sobrang gusto ni Nick na makapasok dito.

"Hindi talaga ako puwede maglabas ng information patungkol sa class zero, eh. It's a rule." sabi ko. Medyo na-guilty ako dahil gusto talaga ni Nick na makapasok dito.

Naglakad si Nick paalis at nabigla ako nung biglang tumabi sa akin si Ace, one of my classmate in class zero. "Why you're not wearing your badge?" Tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung paano nakarating sa library ng college namin si Ace dahil taga-Engineering siya.

"Tinatanggal ko kapag wala na ako sa classroom ng class zero." Pag-amin ko, if sila ay gusto nila ng atensyon na nakukuha na mula sa ibang tao... ibahin nila ako. Masaya na ako na nakakapaglakad ako sa hallway na walang sinong tao ang titingin sa akin. Ayoko yung pinagbubulungan ako ng ibang tao dahil lang parte ako ng special class.

"Are you not enjoying the attention? Pinupuri ka, everyone loves to talk about you." Paliwanag niya sa akin habang may ngiti sa kanyang labi.

"I am not enjoying it. Siguro ikaw, gusto mo dahil nagkaka-fansclub ka." Sagot ko. Sa ilang linggo kong nakakasama si Ace ay alam kong gwapong-gwapo siya sa sarili niya at puno siya ng kahanginan. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya.

"May assignment ako sa isang math subjects ko, kukuha lang ako ng mga reference book dito," Sabi niya sa akin at napatango-tango ako. "About the guy earlier..."

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon