Cincuenta Y Ocho

126K 2.1K 143
                                    

Cincuenta Y Ocho

Tagapagsalaysay

"I got invited too, Luke." Hindi alam ni Scarlett kung dapat ba siyang ma excite o hindi. Medyo matagal na din mag mula ng makasalimuha niya ang pamilya ng ex boyfriend na si Migi.

Kasalukuyan niyang kausap ang lalaki sa telepono. Akala nga niya ay si Theo ito that's why she got excited but agad din nawala ang ngiti sa kanyang mga labi ng makita na hindi pala ito ang kanyang inaasahan.

Scarlett received an invitation to BGC's anniversary party. She is a social butterfly kaya she won't miss this party pero hindi niya maiwasan wag nerbyosin dahil makikita na niya ulit ang tatay ng patay niyang ex.

"I'll go there alone. As much as possible gusto kong isama si Aura but I really can't. I need to find money." He coldly said to her. Making Scarlett roll her eyes dramatically.

"Well, good luck with that!" She trailed off with a hint of sarcasm laced in her voice. "I'll probably go there with Theo. Sana naman wag kang gumawa ng kung ano. Don't make a scene there, Lucas. I'm telling you. Stop tainting your name more." Scarlett flatly said to him.

She heard Luke's annoying scoffed over the phone. "Yeah, whatever. Just try to avoid me at baka hindi ako makapag timpi sa mayabang na lalaking 'yon." Mayabang na anas nito.

Kahit na naiinis siya sa sinabi ng lalaki ay pinilit niyang wag ito mapagsalitaan. Mahirap na. Ayaw niya din mapunta sa bad side ng lalaki though she already betrayed him. Ayaw niyang maghinala ito ng kahit konti.

Theo is probably going to attend to that party. Alam niyang member ito sa alta sociedad kaya hindi malayo na naimbitahan din ang lalaki. She's going to ask him after this call with Luke.

Hindi siya papayag na hindi ito ang kasama niya doon. She wants to show the world that she's Theo's woman. Para na din walang umaligid na mga malalandi dito. Scarlett is one jealous woman. Kung ano ang sa kanya, sa kanya lang 'yon.

She immediately texted Theo. Inviting him to be her date to the said party pero agad din siyang nanlumo ng sabihin nito na wala ito sa bansa sa nasabing araw.

"Ano ba 'yan! So annoying!" Scarlett muttered to herself. Napasulyap naman sa kanya ang babaeng kasama niya sa kanyang condo unit ngayon.

Nakita iyon ni Scarlett at agad itong tinaasan ng kilay. "What? Stop being so chismosa and do your work!" Inirapan pa niya ang kawawang nail technician.

Nagmakaawa siya dito at sinabi kung pwede bang pag bigyan na siya ng lalaki at i-move ang business trip sa ibang araw. She pleaded and pleaded dahil ayaw niyang pumunta dun ng walang date.

Nakasibangot na binasa niya ang text nito sa kanya habang nagpapa home service mani pedi siya.

Sweetheart Theo:

I can't, Scarlett. This is way important than that party. I can't move it. Ask somebody else.

Kahit inis ay pilit na inintindi na lang ito ni Scarlett. Humaba ang nguso nito at hindi na muling nangulit at baka tuluyan ng mainis sa kanya ang lalaking kausap.

"Isipin mo na lang, Scarlett. It's for your future! Nagtatrabaho ng maigi si Theo for you. Para sa inyo dalawa at magiging future family niyo!"

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon