Chapter 39

129K 2.5K 739
                                    

        

                                                                 *****

Another busy day has ended. Clarisse closed her eyes and took a deep breath right after she went out of their office building. She looked around to check if Pierce is there to pick her up. Pero bigla niyang naalalang may dala nga pala siyang sasakyan. Nasa kanya na ulit ang kanyang driver's license subalit si Pierce pa rin ang gumawa ng paraan upang makuha ito sa LTO. Siguro ay napapagod na rin ang lalaki sa kakahatid-sundo sa kanya.

Naglakad siya patungong parking lot habang tinatampal-tampal ng isang kamay ang balikat. Pagod na pagod siya maghapon dahil sa dami ng kliyenteng nagpakonsulta. She opened her cardoor at tahimik na naupo sa harap ng manibela. Tiningnan niya muna ang sarili sa salamin to check if she looks too haggard again. She was about to lock the doors ngunit laking gulat niya nang biglang nagbukas ang kabilang unahang pinto. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang sumakay at tumabi sa kanya.

"L-Lance?..." nakangangang sambit niya.

Hindi siya nakakilos. Ang kanina lang na nanahimik at normal niyang dibdib ay bigla na namang naghuhuramentado sa pagkabog. Natutulalang tinitigan niya ang katabi, gusto niyang matiyak kung si Lance nga ito.

He looked at her and smiled lazily nang mapansin kung gaano siya kasurpresa.

"Hi," mahinang bati nito.

"L-Lance, w-what are you d-doing here?" nauutal at di makapaniwalang tanong niya.

He didn't answer. Sa halip ay hinawakan nito ang kanyang magkabilaang pisngi. He gazed at her and quickly captured her lips with his deep kisses. She opened her mouth pero nanatili pa rin siyang tuod. She was too surprised that she couldn't respond even to his kisses.

Tumigil sa paghalik si Lance but his eyes remains at her face and his hand still on her cheek. Seryosong-seryoso ito sa pagtitig sa kanya.

"I miss you so much," he whispered.

Mas lalong napanganga si Clarisse. " Y-You told me not to see each other anymore..."

Lance sighed. Binitawan nito ang kanyang pisngi at sumandal sa upuan. "I broke up with Scarlet...I call off the engagement," seryosong pahayag nito.

"B-Bakit? I-I thought you'd forgiven her already," nalilitong sagot niya.

"Napatawad ko na siya but my eyes were opened to the fact that I can't love her anymore. Masasaktan ko lang siya kung magpapakasal ako dahil lamang gusto kong magbakasaling matututunan ko ulit siyang mahalin. I let her go...and decided to keep loving you."

"W-What?!" bulalas niya. "Lance, I hope you won't mind if I ask this... may nakain ka bang mali ngayon?

Muli siyang tinitigan ng seryoso ng binata.

"Dahil nalaman kong hindi pala maling mahalin ka. Hindi pala kasalanan ang ipaglaban ang nararamdaman ko para sayo. Wala akong naapakang tao and I won't be stealing someone else wife because..... you don't really have a husband."

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon