Chapter 13

29.8K 906 28
                                    

Sa tulong ni Kael naipakulong namin ang babaeng salarin. Iyon pala ang babaeng sumingit sa date namin ni Mikael noon na si dear. Hindi ko alam kung anong pangalan. Hindi na ako interasadong malaman ang pangalan niya. Mas lalo ko lang maalala ang masamang nangyari sa akin kung aalamin ko pa ang pangalan ng babaeng iyon. Si Mikael lahat ang umasikaso kaya napakalaking naitulong niya sa akin.

"Babe. . . " Tawag sa akin ni Mikael.

"Ano iyon?" Tanong ko. Natawa siya sa akin.

"Kanina pa kita tinatanong kung ano ang gusto mong kainin. Parang ang lalim ng iniisip mo? Don't tell me iniisip mo na naman ang nangyari sa iyo? " Tipid akong napangiti. Umiling ako sa tanong niya.

"No, nakalimutan ko na iyon. Naka-moved on na ako sa nangyari." Wika ko. Napatingin ako sa hawak ni Mikael na menu. Napasulyap ako sa waitress na nakatayo sa tabi niya. Mukhang nagpapa-cute ang babae.

"Ikaw na bahalang um-order. Kung ano ang sa 'yo ganoon na rin sa akin." Ani ko.

"Okay, babe." Kinausap ni Mikael ang waitress at sinabi ang mga order namin. Napairap ako ng lihim. Kahit saang lugar lapitin talaga ng higad itong si Mikael. Sino ba namang hindi lalandi kung napakamacho at napakaguwapo naman kasi niya.

 "Are you sure you're alright?" Napairap ako sa kakulitan niya.

"Oo nga ang kulit. Ayos lang ako." Paniniguro ko sa kanya.

"Iniisip mo pa rin ba iyong nangyari sa iyo? Don't worry hindi na mangyayari iyon. My cousin makes sure na hindi na makakalaya ang babaeng iyon." sabi ni Kael. Hindi ko lang kasi maiwasang mag-isip. Lalo pa at mayaman pala ang babaeng ex ni Kael. Bumuntonghininga ako.

"Don't worry okay na ako. Alam ko naman na mabubulok sa bilangguan ang ex mo." Wika ko na ikinasimangot ni Mikael.

"I told you she wasn't my ex." Napairap sa akin si Felicity. Totoo naman na hindi ko ex ang babaeng iyon. Hinawakan ko ang palad ni Felicity at dinala sa labi ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.

"Okay fine I believe you." Napangiti ako sa sinabi niya. Kinabig ko siya payakap. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kasiyahan. I'm so in love with her.

Sobrang lungkot ni Mikael dahil isang linggo na lang ang nalalabi sa bakasyon niya. Kaya nga sa bawat araw sinisiguro niyang may oras siya kay Felicity. Palagi ko siyang nilalabas upang amgdate kaming dalawa. Lahat ng oras binigay ko na sa kanya. Pero ngayon nandito ako sa bahay ng lola ko para magspent naman ng time sa kanya. Ayoko namang magtampo sa akin si Lola. Inamin ko na din sa kanya na si Felicity ang nobya ko. Inamin na din ni Stefano sa lola namin na hindi totoo ang relasyon nila ni Felicity. Napressure lamang daw si Stefano sa buyo ng magulang na mag-asawa na. Sa una nagtampo si lola sa ginawa naming kasinungalingan pero naglaon pinatawad na niya din kami.

Nagulat ako ng may tumapik sa braso ko. Napalingon ako nakita ko ang mga pinsan kong barako. Sila Jacob at Logan. Malawak akong napangiti. Nandito din pala ang dalawang ito. Akala ko nasa malayo nadestino ang dalawa.

" Hey, ano ginagawa niyo sa bahay ko?" Wika ko na ikina react ni Logan.

"Anong bahay mo? Bahay kaya ni lola ito. Makabahay ka naman diyan gago." Natawa ako sa sinabi ni Logan. Pikon talaga ang pinsan ko na ito nuknukan naman ng pagka torpe.

" Kuya Mikael namiss ka namin. On vacation ako ngayon kaya ito may time dumalaw kay Lola." Natutwuwa naman ako at nakabakasyon ang pinsan kong si Jacob na isang Marine.

"Ikaw Logan akala ko nasa malayo ang destino mo? Bakit nandito ka?" Tanong ko.

"Dito na ako nadestino sa Villamor. Ayos nga 'yun dahil mapopormahan ko na si Danica. Alam mo bang nakita ko siya? Napaka liit nga naman ang mundo hindi ko akalaing makikita ko siyang muli." Nakangiti pa si Logan habang sinasariwa ang nakaraan.

BARAKO SERIES 1 My Mister Soldier( Mikael Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon