Chapter Four

129K 4.6K 1K
                                    

Dahan-dahan siyang pumasok sa madilim na bahay. She tiptoed inside the house while carrying her fake So Kate pair of pumps she'd bought off the internet in one hand. Ala-una na ng madaling-araw nang ihatid siya ni Tate, hindi niya na inayang pumasok ang binata dahil alam niyang pag nalaman ni Saskia na hating-gabi na siya umuwi ay magbubungaga na naman ito sabayan pa ng Ninang niyang intrimitida. Ang Mammy niya lang naman ang nakakasundo niya sa mga kalokohan niya dahil magka-ugali sila nito, siya ang taga-pagtanggol niya laban sa dalawang intrimitida sa buhay niya. Ito ang kumukunsinti sa lahat ng kagagahan niya.

"At saan ka galing?" Halos mapalundag siya nang marinig ang boses ng Ate niya. Her Ate turned on the lampshade on the end table as she sat on the couch on her robe with her legs crossed.

"Sa party." Sagot niya.

"Hindi ka man lang nagpasabi na gagabihin ka." Humalukipkip si Saskia at salubong ang kilay na tumingin sa kanya.

"Ito naman si Ate, parang hindi mo din napagdaanan ito. Parang hindi ka nagdalaga. YOLO!" She smiled, nothing could ruin her mood right now after what had happened between her and Tate.

"Ganyang edad mo, kumakayod na ako para sa inyo. Hindi ako ginagabi kaka-party, ginagabi ako sa mga beauty pageant na sinasalihan ko sa iba't-ibang baranggay, sa mga raket, sa pagsayaw sa club para may panggastos tayo."

"Ate..." Dahan-dahan siyang lumapit sa kinauupuan ng kapatid at sumalampak sa tabi nito. Nilambing niya ang kapatid at ipinulupot ang mga bisig sa baywang nito. Alam niyang kapag naglalambing siya ay hindi siya natitiis nito. Bata pa lang siya, bukod sa Ninang nila ay ito na rin ang tumayong ina niya. Lahat ng gustuhin niya ay binibigay ng Ate niya. Madalas kasing wala ang Mammy nila, kung hindi nagtatrabaho sa Japan ay may kinakasama itong kung sinu-sinong lalaki. Happy-go-lucky, ika nga. "Iba na ang sitwasyon natin ngayon. Hindi na tayo mahirap. Minsan lang naman ito, Ate, saka ayoko naman ma-out of place sa mga friends ko. Nakikisama lang naman ako sa kanila."

"Pinag-aral ka ng Kuya Migs mo sa magandang eskwelahan hindi para makipagsabayan sa mga mayayaman na kaklase mo. Gusto niyang bigyan ka ng dekalidad na edukasyon. Kung tutuusin hindi niya na kayo responsibilidad kaya sana wag mong sayangin ang oportunidad na binigay sa'yo. Tutukan mo ang pag-aaral mo bago yang mga kaibigan mo." Sermon sa kanya ng Ate niya.

"Hindi ko naman pinababayaan ang pag-aaral ko, Ate. I'm just having fun." Hinilig niya ang ulo niya sa balikat ng Ate niya at napabuntong-hininga. "Alam mo, Ate, dati pinapangarap ko lang ang ganitong buhay. Yung tumira sa malaking bahay, yung magkaron ako ng solong kwarto, yung may aircon. Ngayong naranasan ko na ang ganito parang ayaw ko ng bitawan. Ayaw ko ng bumalik sa Tondo o sa bahay kubo natin sa Sto. Antonio. Ayaw ko ng maghirap."

"Kaya nga mag-aral kang mabuti para balang-araw magkaron ka rin ng sarili mong ganito." Hinaplos ni Saskia ang buhok ng kapatid at hinalikan ang buhok nito.

"Ate, hindi naman ako matalino kaya kahit ano'ng aral ko, wala rin mangyayari. Maganda lang ako."

"Teka, bakit amoy lalaki ka?" She sniffed her hair.

Biglang napalayo si Yuka mula sa Ate niya. "Ano'ng amoy lalaki?"

"Amoy pabango ng lalaki." Nalukot ang mukha nito.

"Ay nako, Ate! Baka sarili mo naaamoy mo. Kakatapos niyo lang siguro ni Kuya Migs, sa akin mo pa ibibintang yun. Makatulog na nga. Inaantok na ko. Maaga pa ang first class ko bukas. Good night!" Nagmamadaling tumayo siya.

"Hoy! Hindi ganyan ang pabango ng asawa ko!" Pahabol ng Ate niya habang kumakaripas siya ng takbo paakyat ng hagdan.

Nakahinga siya ng maluwag nang maisara niya ang pinto sa kwarto niya. A smile spread across her lips as she remembered what had happened between her and Tate. Hinaplos niya ang labi niya. He was the best kisser she'd ever experienced. Tate the Great, he lived up to his name. How she'd wanted the kiss to go on forever but she knew she couldn't. It was still a game. If she gave in, she knew the thrill of the chase would soon fade. Sabi nga nila the harder you work for something, the greater you value it. She wanted him to work hard for her.

The Price Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon