CHAPTER 2

716 30 13
                                    

DONALD'S POV
Hindi ako mapakali. Bakit hindi ako sinundo ni Ava? Tss, ganon lang ba talaga niya ako iiwanan at ipag papalit sa Christian na iyon?

"Fifi, can you call Ava? She's not picking my call e."

"Akala ko ba wala kang paki sa kanya? Anong inaarte mo diyan?"

Why I'm getting anxious? Ano bang pake ko kay Ava?

"Tara Twaylem at mag iinom tayo!" Tinignan ako ni Twaylem from head to toe. "Alam mo Donald, napaka obvious mo."

First time kasi itong gawin ni Ava. First time niyang hindi sumagot sa mga tawag ko. First time niyang mag cancel ng call.

"Iyan gusto mo diba? Lubayan ka niya??" Nag cross arms ako. Im so pissed right now. "Pero how can she ignore me? Like, Im her bff diba?"

Sinapok ako ni Twaylem, "Ang paranoid mo!"

Paano kung ma snatched si Ava sa akin? Paano kung si Christian na ang maging bff niya? Paano na yung tandem namin?

"Fifi.." tumigil sa pag scroll ng phone si Twaylem. "Alam mo? Sasampalin na talaga kita. Papansin ka talaga.. ano ba?!"

"Sundan natin sila.. baka mamaya kung saan yun pumunta." Ma praning praning na sabi ko. "Eh ano naman paki mo kung may gawin sila? Jowa mo ba si Ava?"

Halos masuka ako sa mga sinasabi ni Twaylem. "Yuck fifi."

"Yuck? Edi pabayaan mo siya. Yuck pala e. Arte mo." Brutal na sabi ni Twaylem sa akin.

"Hoy Yoshida!" Linapitan ko si Tao na noo'y nanonood. Tumingin lang ito sa akin. "Anong gagawin ko?"

"Ano na namang problema mo? Ang laki na naman ng problema mo."

"Pwede mo bang takutin si Christian?" Natawa si Tao sa sinabi ko. "AYOKO."

Biglang siryosong sabi niya. Sira ulo talaga tong mag jowang 'to.

Wala na din naman akong nagawa at nanahimik na lang ako sa isang tabi. Nakita kong nag upload ng picture itong si Ava.

#sweet #bff #gayfriend

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!" nagulat silang lahat sa akin.

"That's it!" Kahit bwisit na bwisit si Twaylem sa akin, nagawa ko itong kaladkarin at puntahan si Ava.

"Bakla ka! Ano na namang hanash ang gusto mong mangyare?"

"Gusto ko ding maglagay ng hashtag sa instagram ko!" Puro picture ko kasi ang nasa news feed ni Ava. Tapos biglang sisingit ang pisting yon?! Ughhhh.

Nang mkadating na kami sa di kalayuang ice cream parlor nakita ko sila Ava at Christian na mag katabi.

"Napaka immature mo." Mataray na sabi sa akin ni Twaylem. "Whatever." Sagot ko.

Sinadya kong daanan yung lane kung saan naka upo sina Christian at Ava.

"What a coincidence no?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

L.A SIDE STORY: WHAT'S LIFE WITHOUT YOU(DONALD and AVA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon