Chapter 15

29.1K 838 14
                                    

"SIR, it's confirmed may mga tao po na lihim na sumusuporta sa mga rebelde. Sila ang mga nagbibigay ng information na galing dito. Kaya alam nila ang bawat galaw natin at mga plano. This is the report that I have gathered, Sir." Ibinigay niya sa akin ang folder na naglalaman ng report tungkol sa mga rebelde. Nag-utos akong i-surveillance nila ang isang barrio na pinaghihinalaan naming nagkakanlong sa mga rebelde.

Ipinakita niya sa akin ang mga picture na mga tao na nagtatraydor sa amin. Inisa-isa ko itong tiningnan at binasa ang report. Karamihan pala sa kanila ay kamag-anakan ng mga wanted na rebelde. May nakita akong taon na nasa report na familiar na mga tao.

"Okay, Sgt. Montemayor, we need to be careful this time. Wala munang papapasukin na outsider within the perimeter area at pati na dito sa loob ng camp." Tumango ito sa utos ko at sumaludo. Napabuntong hininga ako. Muntik na kaming mapasok last time. 'Buti na lang malakas ang instinct ko pagdating sa mangyayari. Kumuyom ang kamao ko sa galit. Ang mga taong pinagkatiwalaan ko sila pala ang mga traydor.

xxxxx

NAKASIMANGOT na pumasok ng office si Felicity. Naiinis siya sa nobyo na si Mikael. Dahil isang linggo nang walang paramdam sa akin. Naiintindiham naman niya ang trabaho ng nobyo. Hindi maiiwasang hindi makapag-reply kaagad. Pero ang isang linggo ay kalabisan na para kay Felicity.

Huli nilang pag-uusap ng nobyo ay sinabi nitong may operation daw sila at baka hindi maka-text o makatawag ng madalas. Nag-aalala rin kasi siya na baka may masamang nangyari na sa nobyo. Hindi niya kakayanin kung mawawala na lang si Mikael. Oh my God! Huwag naman sana.

"Baks, bakit nakasimangot ka at malungkot pa," Napairap ako, wow, dalawa talaga ang aura ko ngayon? Nakasimangot na malungkot pa. Meron ba nun?

"'Yang pinsan mong malibog sa pinakamalibog hindi man lang mag-text at tumawag sa akin. Imagine mo isang linggo na! Mukha na akong tanga na text ng text at naghihintay ng reply niya! " tumaas ang boses ko dahil sa inis. Napangiwi si Stefano.

"Bakit sa akin ka galit? Hindi porke't pinsan ko iyon, sa akin mo na ibubunton ang galit mo sa kanya. Sabunutan kita diyan!" Napatirik ako ng mga mata. Pakialam niya sa naiinis ako sa pinsan niya. Wala akong ibang pagbubuntunan kung hindi siya.

"Baka busy lang iyong tao. Alam mo naman ang trabaho nun. Kapag nasa operation ang mga sila, wala na silang time manlandi." Saad ni baklang Fanot. Manlandi talaga. Inirapan ko siya at ganoon rin ang ginawa niya sa akin. 

"Nami-miss ko na kasi siya, baks. Nakakainis naman dapat dito na lang siya nadestino. Ang layo ng pinuntahan nila!" Reklamo ko at nagpapdyak ng paa na parang bata. Inakbayan ako ni fanot.

" Don't worry kahit malayo sa iyo si Kuya Kael. Ikaw lang ang babae para sa kanya. I know that kilala ko ang pinasan ko na yun. Kapag nagmahal seryoso talaga kaya huwag kang mag-isip na meron siyang iba. Madami lang talaga umaaligid sa kanya pero hindi naman babaero yun." Pagtatanggol niya sa pinsan.

" Sure ka diyan bakla. Naku kapag nalaman ko talaga nambabae iyon. Lagot ang sandata niya. Magiging 1 inch na lang iyon. Ihuhulog ko iyong zero para lumiit na iyong pinagmamalaki niyang 10 inch na sandata." Inis na turan ko. Biglang tumawa si bakla.

" Grabe ka pala magalit namumutol ng kaligayahan" Bigla na akong nilayuan takot na takot ang hitsura. Iniripan ko siya.

Natapos din namin ang naging problema namin sa mga rebelde. Nahuli ang mga nanganganlong sa mga rebelde na may balak lusubin ang kampo namin.

Nalaman ko din na isa sa mga spy ng mga rebelde ay ang anak ni Aling Ising. Kaya pala ganoon na lang ang kagustuhan niyang akitin ako. Nasa plano pala nila iyon. Puwes hindi nila ako maiisahan at maloloko.

"Congratulations Captain Dela Costa. You did a good job." Nag-salute ako at kinamayan si General Roberto Jacinto.

"Thank you, Sir." Wika ko at sumaludo.

Pumunta na ako sa baracks ko para tawagan ang mahal kong si City. Ilang araw rin na hindi ko na-message ang nobya ko. I missed her so bad.

Ring lang ng ring ang phone ni City. Tinawagan ko ulit pero ganoon pa rin. Bigla na naman ako kinutuban at kinabahan. Tinawagan ko ang number ng pinsan kong si Stefano.

"Hello, Kuya Kael. 'Buti may oras ka ng tumawag" Wika nito.

"Kasama mo ba si City ngayon? I've been calling her number but she didn't answer my phone call." nag-aalalang wika ko.

"Magkasama kami kanina. Wala nga sa mood kasi 1 week ka na daw hindi tumatawag. Baka nagtatampo na sa iyo" Kahit naman nagtatampo iyon sasagutin pa din naman niya ang tawag ko.

"Can you go there to her house? I'm fucking worried!" Naiinis na wika ko.

"Whoah, Kuya, relax lang okay I'm gonna go there now." inend call na nito ang tawag.

Hindi ako mapakali dahil naiisip ko na naman na baka nasa panganib na naman si City. Ang layo ko pa naman sa kanya! Goddamn it!

I called City's number again but she did not answer the call. Nagsend ako ng message baka sakaling magreply siya.

Babe

Babe, answer my phone call. I miss you so much. I'm so sorry if I was not able to call you. May operation kasi kami kaya wala na akong time para gumamit ng phone. Please reply to this message. I love you, babe.

Naghintay ako ng ilang minuto pero wala pa ding reply.

Napru-frustrate na ako. Parang gusto kong mag-ala Superman. Lilipad na lang ako para makarating agad doon sa bahay ni City. Pero hindi naman mangyayari iyon. Hinintay ko na lang si Stefano kung tatawag.

Nag-ring ang phone ko, tumatawag na si Stefano.

"K-Kuya Kael, si Felicity wala dito. I found her phone nasa lapag. Her house was messy. Everything's here not in the proper place at all. Parang may pumasok na magnanakaw. " Kinabahan ako sa sinabi ni Stefano.

"Goddamnit! Look for her!" Singhal ko sa pinsan ko na para bang kasalanan niya ang nangyari. Inendcall ko muna at tatawagan ko si Alexandro ang pinsan kong pulis.

"Hey, bro please punta ka sa bahay ni Felicity. Nawawala siya!" Utos ko kay Alexandro.

"Bro, I have something to tell you. Iyong ex mo nakatakas. May taong tumulong na patakasin siya." Para naman akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig ko. Nasa panganib na naman ang mahal kong si City.

"Please, bro, find Felicity. " Pagmamakaawa sa pinsan ko. Naiinis ako dahil wala akong magawa. Gustuhin ko mang pumunta ngayon pero paano? Napahilamos na lang ako sa mukha ko.

Copyright©2017
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES 1 My Mister Soldier( Mikael Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon