[68-70]

965K 19.3K 8.8K
                                    

CHAPTER 68: DEATH THREAT

GAIL’S POV

Nakaramdam ako na nasa ibang lugar ako. Wala ako sa kwarto ko ngayon. Hindi ganito ang kama ko, hindi masyadong malambot. Iba pa ang amoy, ang sakit sa ulo, nakakahilo.

Unti-unti kong minulat ang mata ko. Napabangon ako sa pagkabigla nang makita kung nasaan ako.

“Gail!!! Gising ka na! Thank you oh Lord! Yehey!” Sigaw ni Chloe habang tumatalon-talon pa. 

“Ssshhhhh…. =___=” Dustin

Tama nga ang nasa isip ko. Wala ako sa kwarto ko kundi nasa ospital ako. Napabalikwas ako kanina kasi pinalibutan ako ng iba’t ibang mukha. SHEMAYS! Di ka ba magugulat kapag ang bumungad sa paggising mo ay dalawang babae at I guess, walong lalaki ang nakapalibot sa kama mo?!

“Ayos na ba ang pakiramdam mo?” Derrick asked. I nodded and smiled. Nakaramdam ako ng gutom. Goshness! Parang gusto kong kumain ng sangkatutak na pagkain.

“Ahmm, ilang araw na ako dito naka-confine?” Tanong ko. 

“Two days na at two days ka na ring tulog. Nag-aalala kami kung bakit hindi ka pumasok. Tapos sinabi sa amin ni Chloe at Kaye Anne yung nangyari sayo kaya pumunta kami dito.” Alex patted my head. 

“T-teka. Si Nathan, saan?” Inilibot ko yung tingin ko sa kanila. Wala akong Nathan na nakita. Maski si Kurt, wala.

“Ah, pumasok si pandak kasi may oral recitation daw sila. After class daw siya babalik dito.” Kaye Anne answered.

“Princess, pwede mo bang ikwento sa amin yung eksaktong nangyari nung gabing yun? Baka may maitulong kami.” Sabi ni Wayne sabay kagat sa isang apple na hawak niya.

“TONGAK! Binili natin yang fruits para kay Gail hindi para kainin mo. Ang lakas-lakas mo na eh.” Sabay hampas ni Toffer sa balikat ni Wayne.

“Isa lang naman eh. Favorite fruit ko kasi ito. Princess, okay lang?” Wayne pouted his lips. Natawa naman ako dito.

“Hahaha. Oo naman. Ahmm, guys I’m willing to tell you everything basta ba pakainin niyo muna ako. Sobrang gutom na gutom na gutom na gutom na gu----“

“OKAY. Halata nga hahaha. Bibili muna kami sa labas ng makakain mo.” Kent said. “Tara, twin bro, samahan mo ako. Ang daming chick na nurse sa labas, DALI!”

“LOKO! Wag mo akong tawaging twin bro baka sabihin nilang kambal tayo.” Brent

“Psh. Bakit hindi ba? Tara na nga. Nagugutom na ang mahal na prinsesa.” Sabi ni Kent palabas ng kwarto.

“Sira! Hahaha!” Sigaw ko. Nakakatawa silang magkambal. I find them so sweet whenever they fight and tease each other :3

“Gail, totoo ba yung kinuwento ni Nathan sa amin?” Tanong ni Kaye Anne. I just gave her a ‘WHAT-WAS-THAT?’ look. “Yung may nakita kang box?”

Biglang bumalik sa isip ko yung nangyari nung gabing yun. Sobrang natakot ako, natakot ako kasi isa yung death threat. Maybe that was the reason why I am here in the hospital now. Sa sobrang takot ko, nag-collapsed ako.

“Ahh.. Y-yes. I almost got hit by a motor bike. Good thing, Nathan pulled me away or else I might be in a worse condition or I might be killed.”

“Tapos anong nangyari?” Arthur asked out of curiousity. Lahat sila nakatayo at nakapalibot sa kama na hinihigaan ko. Naghihintay ng sagot mula sa akin.

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon