Chapter 17

27.5K 848 27
                                    

Takbo lang ako ng takbo hanggang marating ko ang main highway. Madilim na ang daan tanging ilaw lang sa malayo ang nakikita ko. Hindi ko alam saan ba ako pupunta. Diyos ko tulungan mo po ako. Lumingon ako sa pinanggalingan ko baka nasundan ako ng mga kidnaper.

Ipinagpatuloy ko lang ang pagtakbo hanggang sa may nakita akong sasakyan na paparating. Gumitna ako sa daan. Bahala na kung sagasaan ako. Ikinaway ko ang kamay para pahintuin ang sasakyan. Feeling ko nga para akong sumasayaw.

Huminto naman ang sasakyan. Bumaba ang salamin ng bintana ng kotse. Hindi ko maaninag ang tao sa loob dahil madilim.

"Please tulungan niyo po ako. Nakatakas lang po ako sa mga taong dumukot sa akin. Papatayin po nila ako." Pagmamakaawa ko. Napaiyak ako.

Grabe City late reaction ka dapat kanina ka umiyak kasi papatayin ka na kanina. Ngayon pa talaga? Anang isip ko. Buwisit na isip ito.

"Okay, come inside." Lalaki pala ang may-ari ng sasakyan. Ang ganda ng boses niya, infairness. Pumasok na ako kaagad sa loob baka nandiyan na mga kidnaper. Pinaharurot na ng lalaki ang sasakyan niya.

"Salamat, Kuya, sa pagtulong mo sa akin. Tatanawin kong malaking utang na loob itong pagliligtas mo sa akin. Kung hindi ka dumating malamang naabutan na ako ng kidnaper at baka patay na ako." Mahaba kong wika. Natamaan ng liwanag ang mukha ng lalaki na nanggaling sa mga sasakyan na nakakasalubong namin. May matangos na ilong ang lalaki at makipot na labi. Pogi naman ni Kuya.

"Where I can drop you?" Tanong ng lalaki sa akin. Baritone naman ng voice nito. Felicity na-kidnap na nga't lahat may gana ka pa yatang kumerentod.

"Sa malapit na police station na lang Kuya" Sagot ko. Nang makarating na kami sa malapit na police station. Bumaba na ako sumama din ang lalaki. Napagmasdan ko ng maigi ang lalaki. Matangkad siya at maganda ang pangangatawan. Alagang gym. Mas pogi pala kapag maliwanag kita ang kaguwapuhan niya. My god Felicity may nobyo ka lumalandi ka diyan.

"By the way I'm Delfin Dela Vega." Pakilala niya sa sarili. Bagay na bagay sa kanya ang name .

" Nice to know you. I'm Felicity Natividad." Pakilala ko naman sa sarili ko. Nagkamay kaming dalawa. "Salamat sa paghatid mo hanggang dito sa akin." Pasasalamat ko.

" No worries. If you want I can go there with you. Maybe they need my statement. It could help." Suhestiyon niya.

" Okay." Pagpayag ko. Pumasok na kami sa presinto hindi ko alam kung nasaang lugar kami. Nakapiring ang mata ko nang dalhin nila ako sa hideout nila.

HALOS umusok ang ilong sa galit si Mikael sa nalaman mula sa pinsan niyang pulis na si Alexandro.

" What?! Bakit hindi niyo siya kasama! May masama bang nangyari sa nobya ko!" Galit na singhal ko sa pinsan ko. Hindi nila naabutan si Felicity sa hideout nakatakas pa ang mga salarin.

Napahilamos ako ng mukha ko. Baka may masamang nangyari na kay Felicity.

" Bro, calm down okay I will do my best to find her about. Just trust us okay. We're doing everything." Pagpapakalma sa akin ng pinsan kong si Alexandro. Pero hindi ako mapapakalma hangga't hindi pa nila nakikita si City. How can I be calm down? Goddamnit!

" Please bro find her. Gustuhin ko man pumunta diyan at ako mismo maghahanap sa kanya hindi naman puwede." Napasabunot ako sa buhok ko.

Damnit! Fuck! Bullshit! Lahat na yata ng mura sinabi ko na sa isip ko!

"I'll call you later bro if there's an update about her." inendcall na nito kahit hindi pa ako sumasagot. Napaupo ako.

KANINA pa ako nagpapasalamat at nagsosorry kay Delfin dahil napatagal ang pagstay namin sa presinto. Ang dami kasing tanong at may mga papeles pa kaming pinirmahan. Kinuha pa ang statement naming dalawa.

BARAKO SERIES 1 My Mister Soldier( Mikael Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon