Chapter 11: Back to sense

84.9K 4.9K 1.4K
                                    

MULA sa kuwarto ko ay matatanaw ang malawak na field sa labas, nakikita ko kung paano mag-practice ang class zero, nakikita ko rin ang dami ng tao na nanunuod sa kanila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MULA sa kuwarto ko ay matatanaw ang malawak na field sa labas, nakikita ko kung paano mag-practice ang class zero, nakikita ko rin ang dami ng tao na nanunuod sa kanila. I used to be part of that group. Itinabing ko muli ang kurtina upang hindi Makita ang nasa labas. "Dapat masanay ka na sa ganitong simpleng buhay, Jamie." Sabi ko sa aking sarili.

Ipinatong ko ang aking bag sa study table at saglit na nagbihis, nakita ko ang listahan na ibinigay sa akin ni sir Santos, maybe, kailangan ko na lang i-divert ang isipan ko sa ibang bagay. Baka kapag nanatili ako rito ay patuloy ko lang silipin sa labas ang nagpa-practice na class zero.

Lumabas ako ng dorm, sinuot ko ang pulang jacket ko dahil medyo may kalamigan sa labas. Palabas na sana ako nung makasalubong ko si Seven malapit sa main gate, pinupunasan niya ang kanyang buhok dahil basa ito ng pawis.

He looked at me at para hindi awkward ay nagsalita na ako. "Tapos na ang practice ninyo?" tanong ko.

"Ano pa bang pakialam mo? You're not part of Class zero anymore." Nawala ang ngiti sa aking labi at nagtuloy-tuloy na siya pabalik sa dorm ng mga lalaki. Sa totoo lang ay nasaktan ako sa sinabi ni Seven pero tama naman siya, hindi ko na dapat ini-involve ang sarili ko sa class zero dahil umalis na ako doon.

Naglakad ako paalis at pumuntang mall. Una akong pumunta sa National bookstore dahil karamihan ng mga kailangan para sa magaganap na orientation ay nandito. "Styrofoam... gunting... glitters..." Binabanggit ko ang pangalan ng mga dapat kong bilihin habang kinukuha ito sa shelf nito.

Honestly, nahihirapan pa rin ako mag-adjust lalo na't ilang linggo din akong tumagal sa class zero. Hindi ko nami-miss ang kanilang ginagawa doon, nami-miss ko ang pinagsamahan namin.

Napatigil ako sa pagkuha ng mga bibilhin ko nung biglang tumigil ang mga tao sa paligid, nawala rin ang maingay na music na pinapatugtog ng mall. "D-Devil hour?" Tanong ko sa aking sarili. Kung may devil hour ngayon dito ay paniguradong may Lawbreaker sa paligid at mayroong ding miyembro ng class 0 dahil nagawa niyang patigilin ang oras.

Ibinaba ko ang basket na naglalaman ng aking pinamili at tumakbo palabas ng bookstore, isang malakas na pagsabog ang aking narinig mula sa left side ng mall.

Ang daming tao ngayon dito sa mall, paniguradong lahat sila'y madadamay sa gulo. Kahit pa nakahinto ang oras, ang sabi sa amin ni sir Joseph ay mamamatay pa rin ang tao sa oras na masaktan sila ng Lawbreakers. Tanging ang mga bagay na nasira lang ang maibabalik sa ayos kapag natapos ang devil hour ngunit hindi ang mga buhay na nawala.

I am scared that I am alone this time, I am not with class zero. Tumatakbo ako tungo sa kung saan nanggaling ang pagsabog at nakita ko ang isang lalaki. Patay ang kulay ng kanyang balat at may dugo sa kanyang dibdib. Medyo mahaba ang buhok nito at may suot itong itim na jacket.

Nagtago ako sa likod ng isang stall. Nabigla ako nung biglang magkaroon ng liwanag ang kanyang kamay at kasabay ng pagkawala ng liwanag ay may hawak na siyang isang bomba. "Mas maraming buhay na mawawala, mas lalo akong lalakas!" Sabi niya at isang malakas na pagsabog ang aking narinig.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon