Chapter 9

332 4 2
                                    

RATED SPG!

CLARA

Kanina ko pa hinahanap kung nasaan ang cellphone ko pero di ko makita. Halos libutin ko na ang buong dorm at hinanap ko na rin sa lahat ng gamit ko pero wala. Ang huli kong naalala ay inilagay ko lang naman yun sa bag.

Gusto ko sanang tanungin si Agatha pero nang magising ako ay wala siya. Siguro maaga siyang pumasok. Hindi ko naman alam schedule niya dahil second year na siya.

Mamaya ko na lang siguro yun hahanapin baka kung saan ko yun nalagay. Baka nasa locker ko, nakalimutan ko lang.

Hay naku!

Nagtungo na ako ng banyo para maligo. Tinignan ko ang itsura ko sa salamin. Hindi pa rin pala humihilom ang sugat. May kunti pa rin. Mabuti na lang at hindi na ganun kasakit.

Ready na ako para pumasok nang biglang dumating si Agatha.

Saan kaya siya galing?

Akala ko pumasok na siya pero hindi pa siya nakabihis ng uniform niya.

"Good Morning Agatha, saan ka galing?" Bati ko sa kanya pero di niya man lang ako tinignan at nilampasan lang.

"Agatha? May problema ba?" Tanong ko ulit dahil mukhang malalim ang iniisip niya kaya hindi niya ako napansin.

"Clara." Tumingin siya sa side ko pero hindi sakin. Walang reaksyon ang mukha niya. Hindi ko maintindihan.

"Lilipat na nga pala ako ng dorm ngayon din. Wala. Gusto ko lang magpaalam." Sabi niya.

Tatanungin ko pa sana siya pero pumasok na siya ng banyo. Napatango na lang ako sa sarili ko.

Gusto ko sanang malaman ang rason niya kaso mukhang ayaw niyang sabihin kaya di ko na pipilitin. Siguro nabobored na siya dahil ako ang kasama niya.

Tuluyan na akong lumabas. Habang naglalakad ako sa hallway ay bigla akong may naramdamang kakaiba. Parang may sumusunod sa akin.

Paglingon ko sa likod, wala naman akong nakita.

Binilisan ko ang paglalakad pero ganun pa rin. Hindi ako maaaring magkamali. Talagang may sumusunod sakin.

Walang ibang tao kaya natatakot ako. Kinakabahan akong tumakbo at sa paglingon ko sa likod ay tama nga ako. May sumusunod sakin.

Waaaahhhhhh!

Mas binilisan ko ang pagtakbo. Lumiko ako sa ibang daan nang biglang may humila sa akin.

Napapikit ako dahil tinakpan niya ang bibig ko. Kaagad akong nagdasal na sana walang masamang mangyari sa akin. Madami pa akong pangarap sa buhay.

"Ayan, wala na siya. Pwede ka ng dumilat." Narinig ko ang isang boses lalaki at tinanggal ang kamay niya sa bibig ko.

Pagdilat ko, nakita ko ang isang lalaking nakangiti. Akala ko kasabwat niya ang lalaking humabol sa akin.

"Salamat." Nahihiya kong sabi. Hindi ko pwedeng itanggi na ang gwapo niya.

"Wala yun. Nga pala, I'm Drake." Inilahad niya ang kamay niya.

"Ah. Ako si Clara. Salamat sa pagligtas ah. Baka ano ng nangyari sakin." Inabot ko ang kamay niya at nakipagshake-hands.

"Wala yun. Bakit ka ba hinahabol nun?" Nagsimula na kaming maglakad dahil mukhang wala na naman ang humahabol sa akin.

"Hindi ko rin alam eh. Di ko kilala." Sagot ko.

Addicted: The Prank to Don Juan (Series#1)Where stories live. Discover now