Chapter 41

172K 2.8K 411
                                    

“Aya!” sigaw ni Araya ng makita ang dalawang taon na pamangkin na nasa garden ng mga Alvarez. magkasama sila ni Storm na dumating dito.

“Bad! Bad!” ani ni Aya ng makita sya.  tuwang tuwa naman si Araya habang kinakarga ang pamngkin. sino ba naman ang hindi mawiwili sa napakabibong bata na ito.

“Ang cute cute naman ni Aya!” puri ni Araya habang karga ito palapit sa mga kaibigan.

“Syempre mana sakin!” sabat ni Storm na nasa gilid nya. Hawak hawak nito ang kamay ni Aya.

“Storm, manahimik ka. “ingos ni Araya dito.

“I’m just stating a fact.”

“Yeah… fact you.”

“Wow ang hard mo talaga sakin Fudgee barr! bakit ganyan ka? Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal mo.”

“Buti naman.” sagot ni Araya. Tapos nilapag si Aya sa isa sa mga upuan doon.

Nakita nila ang Yaya ni Aya at ang ibang mga katulong na nag aayos ng mga upuan. may nakita din silang caterer na nag aayos ng mga pagkain.

“Nasaan si Venus?” tanong ni Araya sa Yaya ni Aya.

“Nasa loob po.” Sagot nito.

Pero hindi na nila kinailangan pumasok dahil namataan na nilang papalabas sila Venus.

“Wow! my greatest twin is back! welcome back twin!” open arms na bati ni Storm sa  kapatid. Kasunod nito ay ang mga Tito at Tita nila.

Nauna na din pala sila JD, Asha, Karla, Michael, Dianne, Art at Biboy.

“Hi Tito. Hi Tita.” bati nila sa mga ito.

“Buti naman at nakarating kayo. biglaan kasi ang uwi ni Thunder kaya nalate din ang pag-aayos.”

“Sabi ko nga wag na .. ok lang naman yung simpleng dinner lang, that would be enough.”

“Pwede ba naman yun?  Syempre hindi naman ata ako papayag dapat nga may live band pa! ay shoot dapat pala pinatawag natin ang Quadro Band.” natatawang suggest  ni Storm.

“Mabuti pa, let’s just go inside habang wala pa ang yung iba.” isa isa silang pu masok para mag antay sa iba.

As usual hindi na naman sya tinantanan ni Storm sa kakulitan nito.

“Fudgee barr kelan mo ba kasi ako sasagutin?” tanong ni Storm ng habang Terrace sila.

“Ang tanong Storm, BAKIT? Nanliligaw ka ba?”

“Fudgee barr naman, since college tayo nanliligaw na ako. “di makapaniwalang sabi ni Storm.

“Oh? Anong panliligaw? yung araw araw na pang aasar sakin? Paulit ulit na pagtatnong mo na kelan kita sasagutin? Tell me Storm nasaan ang panliligaw doon?” natahimik si Storm sa sinabi ni Araya.

“Bakit ba hindi mo maramdaman na mahal na mahal kita? lagi kitang sinsamahan  tapos lagi kitang sisnasabihan ng I love You-- “ pagtatanggol ni Storm sa sarili nya.

“Wow! so yun na yun? Ewan ko sayo. tsk.” hinawi ni Araya ang mangilan-ngilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha nya. “Bakit bago na naman ang Secretary mo? ano na namang ginawa mo?” tanong ni Araya dito.

“Wala ah… makapagsalita ka naman akala mo may ginagawa akong kasalanan.  Ang kasalanan ko lang naman ay maging pogi.  Di siguro nila kinakaya yun.”

“Ang sabihin mo, minanyak mo na naman!”

“Fudgee barr naman! Alam mong hindi ko magagawa yun! good boy kaya ako!”

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon