CHAPTER 23: Not Again..

27.7K 403 15
                                    

CHAPTER 23: Not Again..

 

 Dedicated sakanya! :) 


AN: Sorry kung matagal hindi nakapag update! Sorreeeey ! May WB po kasi ako TT_TT parang nawalan ako ng inspiration sa pag susulat! LOL, pero unti unti nanaman bumalik yun, at isa pa naging busy din ako sa school, ang dami na po naming ginagawa at may OJT pa po ako, graduating po  kasi ang lola niyo kaya busyyyy! So eto na ang UD, thanks sa patuloy na sumusuporta! :) VOTE AND COMMENT nalang po if nagustuhan..

 

 MATTHEW’s P.O.V

 

Hindi ko alam kung iniinis ba ko nitong babae na ‘to, kanina niya pa ko nililigaw, kesyo lumiko ka jan, dumiretso ka jan, liko, atras, diretso at tuwang tuwa pa siya.. san ba ko gusto dalin nitong Akina na ‘to, si Alexis ang gusto kong makita ngayon! At nasan kami ngayon? Nandito kami ngayon sa isang coffee shop, at parang familiar sakin ‘tong coffee shop na ‘to.. hindi lang familiar! Alam na alam ko! bakit? Dahil isa ‘to sa pagmamay ari namin..

“What are we doing here Akina?” – naiinis na tanong ko sakanya.

“Relax, hindi ba gusto mo makita si Alexis, nandito siya.” – sagot ni Akina.

“WHAT!!???”

Nagulat pa siya sa pag sigaw ko, agad akong bumaba sa kotse ko at pumasok sa loob ng Coffee Shop, madami dami ding tao.

“Sir!!” – bati nung ibang staff sakin.

Pero wala si Alexis dun, pumasok ako sa loob ng counter, para hanapin siya.

“Good Morning Sir!” – bati sakin ng isa pang staff.

“Nasan si Alexis?!” – tanong ko.

Pero bago pa  siya makasagot may lumabas sa locker room nila, nagkatinginan kami.

“Anong ginagawa mo dito?!!” – sigaw niya.

“Alexis!!” – suway nung isang waitress.

“Hayaan mo siya.” – sabi ko sa waitress na ikinagulat naman niya.

Hinila ko siya.

“Ano ba Matthew! Anong ginagawa mo dito?! Nagtatrabaho ako!!” – sigaw niya.

Sa sobrang lakas ng sigaw niya pinagtitinginan na kami nung mga customer dito. Kaya naman lumabas yung supervisor nitong branch ng coffee shop namin.

“Anong ka—“ – hindi niya natuloy yung sasabihin niya dahil agad ko siyang sinenyasan na wag maingay.

Numb is inTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon