#51: Danger

566K 11.1K 1.5K
                                    

READ NIYO PROLOGUE NG TFGAM AND COMMENT WHAT YOU THINK! I'LL UPDATE THE CHAPTER 1 IF TAPOS NA AKO DITO SA HGP! ATYAKA GUYS MAY 60% CHANCE NA MAGKAKAROON NG BOOK 2 ANG HGP OR BAKA SEQUEL NA LANG DEPENDE SA UTAK NI AUTHOR BWAHAHAHAHA. ANONG GUSTO NIYO BOOK 2 OR SEQUEL?

xxMissyMariexx

~*~

“Gusto mo na bang bumalik?” tanong ni Nathan.

Umiling naman ako at ngumiti.

“Mauna ka na, magpapahangin lang muna ako dito.” Sabi ko.

Natawa naman siya. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Nagjoke ba ako?

“Magpapahangin? Naku, baka naisip mo na hindi mo pala mahal si Tyler.”

Bigla ko naman siyang binatukan at sinamaan ng tingin. Humagalpak naman siya sa reaksyon ko at ginulo na lamang ang aking buhok.

“Joke lang, ikaw talaga.” Aniya.

“Joke mo mukha mo! Che, umalis ka na nga at ipagpaalam mo na lang ako kay Tyler.” Sabi ko.

Tumango naman siya at tumayo na. Nagpaalam na siya sa akin at patakbong pumunta sa cottage naming. Napabuntong hininga naman ako at napangiti sa  tanawing nakikita ko.

I never thought that this would day would come. Akala ko sa mga panaginip ko na lang mararamdaman ang ganitong kasiyahan at pagdidiriwang na nararamdaman ko sa buong sistema ko. Hindi ko akalain na ganito kabait sa akin ang universe at binigay ang lahat ng katanungan ko sa iisang gabi lang. Ngayon gusto ko lang mabuhay ng masaya at gumawa ng maraming magagandang alaala kasama si Tyler. Alam ko pagbalik naming ng Montereal Academy ay maraming magagalit at isa na dun si Amethyst pero wala na akong pake. Kaya ko silang labanan lahat para sa pagmamahalan namin ni Tyler.

“Senti natin ngayon ah.”

Napalingon naman ako sa biglaang taong nagsalita at napangiti. Si Charlotte pala kasama si Jade.  Umupo sila sa magkabila kong tabi at sabay na sinandal ang kanilang mga ulo sa magkabila kong balikat.

“I’m so happy for you, Rien.” Sabi ni Jade.

Napangiti naman ako. At frist, hindi ko masyadong gusting mapalapit sa kanila dahil nga sanay akong magsolo flight sa buhay ko dahil isa akong gangster. Pero hindi ko akalain na magiging ganito kami ka-close ngayon at masaya ako dahil nagging magkaibigan kaming tatlo. Siguro hindi ako magbabago ng ganito kung hindi dahil sa kanila. Naging parte din sila sa journey ko sa academy kaya nagpapasalamat ako na hindi nila ako iniwan.

“I wish you all the best!” Charlotte.

“Girls, hindi naman kami magpapakasal hahaha.” Sabi ko.

“Well, I hpe that you two will end up together.” Jade

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon