Chapter 25

245K 5.5K 1.4K
                                    

"Ayoko na talaga! Gusto ko ng umuwi!" Wika ni Arianne ng malaman niyang patay na sina Abi at Ramil.

"Magpakatatag ka pa Arianne, matitigil din ito!" Wika ni Roxette habang patuloy sa paghagod ng likod ng kaibigan.

"Nawawalan na nga ako ng pag-asa hindi ba malinaw sayo iyon? Ayoko pang mamatay!" Dagdag pa niya habang patuloy sa paghihinagpis.

"Oo nga, hindi natin alam kung sino ang isusunod ng killer sa atin. Suko na rin ako." Wika ni Ginny habang naglalakad papuntang terrace at tila ba nanlulupaypay.

"Ikaw din Ginny? Bakit?" Tanong ni Roxette at niyakap ito ng biglang manlumo sa sahig.

"Wala na si Ramil, akala ko naman ay magiging masaya kami pagkatapos ng bakasyong ito yung tipo bang mas lalo pang iigting ang nararamdaman namin sa isa't isa. Pero sa isang iglap lang, nabura bigla ang pinapangarap ko." Wika ni Ginny habang nakasalampak sa sahig at nakikisabay sa pagdadalamhati ni Arianne.

"Kung alam niyo lang, pati ako nahihirapan! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kung sakali mang ako ang isunod ng killer pero pilit kong pinapalakas ang loob ko para sa pamilya ko. Kaya kayo, kung gusto niyo pang mabuhay, tumindig kayo sa dalawa niyong mga paa! Ipaglaban niyo ang tama! Mabuhay hindi para sa sarili mong kapakanan kundi para sa Pamilya mong nag-aalala sayo sa malayong lugar!" Pagpapaliwanag ni Roxette habang papalit-palit ang kaniyang tingin sa dalawa.

"Kung magngangangal-ngal na lang kayo diyan ng buong magdamag, pwes, bahala kayo! Wala namang magagawa ang pag-iyak niyo para makaligtas at upang malupig natin ang killer eh! Sa totoo nga niyan, dagdag pasakit pa kayo at alalahanin!" Panenermon niya sa dalawa kaya natahamik ang mga ito kaya tanging paghikbi na lamang ang iyong maririnig mula sa kanila.

"Ako kasi,gusto ko pang mabuhay kaya ipaglalaban ko ang karapatan kong mabuhay! Kung gusto niyo pang mabuhay, ayus-ayusin niyo ang sarili niyo!" Dagdag pa niya na tila ba natauhan yung dalawa.

"Pagpasensiyahan niyo na ako sa mga nasabi ko. Sadyang uminit lang ang ulo ko kaya magpapahinga na muna ako. Hahayaan ko muna kayo kung ano ang gusto niyong mangyari sa buhay niyo." Wika ni Roxette at dali-daling nilisan ang lugar na kanilang kinalalagyan.

"Mukhang tama nga siya. Walang maitutulong kung patuloy akong iiyak." Wika ni Ginny habang nakayuko at pinupunasan ang mga luhang lumalabas sa kaniyang mga mata.

"Oo nga, ngayon ko lang napagtanto ang lahat. Siguro, ipahinga na muna natin ito at kalmahin ang ating mga puso sa sobrang emosyong ipinapakita natin." Wika ni Arianne na nilapitan si Ginny at itinayo ito sa pagkakalugmok nito sa sahig.

"Kaya natin ito Sis, lalaban tayo!" Wika pa niya at niyakap ang kaibigan na puno ng pag-asa.

Hindi napigilan ng dalawang maluha muli marahil dulot ito ng kaligayahan sa pagkakamulat sa katotohanan.

"Ginny, Arianne, dumiretso na kayo sa Kitchen. Kumain muna tayo." Bungad ni Kian.

Tinungo ng lahat ang Kusina at ngayon ay sama-sama sila sa hapag-kainan.

"I know guys na hindi maganda ang pakiramdam niyo lalo pa't apat na sa atin ang namamatay. Sa ngayon, kumain na muna tayo at mamaya natin pag-uusapan ang tungkol sa kasong ito." Wika ni Agatha at sinimulan na ang pagkain.

Napakatahimik ng paligid. Ni isa sa kanila ay walang umiimik. Tanging pagkalansing lamang ng kutsara't tinidor sa pinggan ang iyong maririnig.

Makalipas ang ilang minutong walang imikan at katahimikan bumabalot sa gitna ng kanilang pagkain ay biglang nagsalita si Agatha.

"Batay sa aking pag-iimbestiga, ang death word ni Abi ay RAPE. Oo, pinagsamantalahan siya. Hindi lang ako sigurado kung ang gumawa ba nito sa kaniya ay yung killer o may iba pa?" Wika niya habang nakapokus ang lahat ng atensyon sa kaniya.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon