Chapter 41 -- Days Of Melancholy

80 2 0
                                    



Chapter 41 — Days Of Melancholy

"Helaena... Helaena, bumalik ka dito." Sigaw ni Cahli sa kaibigan nang nag tatakbo ito palayo pagkalabas nila ng yate. Ngunit hindi na niya ito nahabol pa at nawala na ito sa kanyang paningin.


Tinanggal ni Helaena ang kanyang heels at tumakbo siya ng naka paa nalang. Hindi niya alam ang patutunguhan, basta ang gusto niya ay makalayo lang sa lugar na 'yon. Kasabay ng pag takbo niya, ang mabilis na pag agos ng kanyang mga luha.


Nang nakaramdam siya ng pagod ay napaupo siya sa gilid ng daan na umiiyak parin. Pilit na sumasagi sa isip niya ang mga pangyayari kanina. Ang pag po-propose ni Brylle kay Liv. Ang paghahalikan ng dalawa. Pati na din ang mga masasayang alaala nila ni Brylle na sa isang iglap ay bigla na lang mawawala lahat.


"Helaena." Tawag ng hinihingal na si Brylle dahil tumakbo din siya kakahanap dito.


Napatingin si Helaena sa tumawag sa kanyang pangalan at ng makita niya si Brylle ay tumayo siya at akmang aalis na naman.


"Helaena, I'm sorry." Sigaw ni Brylle ng paalis na si Helaena. "A-Alam ko ang sama sama ko dahil sa ginawa ko sa'yo."


Binalingan ng umiiyak na si Helaena si Brylle at patakbo niya itong linapitan at bigla nalang pinag hahampas.


"Sira ulo ka! Gago ka!" Sabay hampas sa dibdib ni Brylle na tumatangis parin.


Hindi pinigilan ni Brylle si Helaena sa pananakit sa kanya. Hinayaan niya lang ito dahil alam niyang masakit ang nararamdaman ngayon ng kaharap at kulang pa itong ginagawa niya sa pananakit dito.


"Manloloko ka! Pinagkatiwalaan kita, minahal kita ng higit pa sa'kin tapos heto lang ang igaganti mo? Gago!" Sige, at patuloy parin siya sa paghampas kay Brylle.


Nang napagod na siya ay tumigil din siya at tinitigan niya ng mabuti si Brylle habang lumuluha. "Bakit, Brylle? Bakit?" Puno ng sakit at emosyon na tanong ni Helaena. "Hindi ba'ko sapat sa'yo? May ginawa ba'kong mali? O may mali ba sa'kin? Nagsawa kana ba? Na realized mo ba na hindi naman pala tayo bagay? Nahihiya kaba sa mga tao? Bakit? Bakit?"


"Balang araw maiintindihan mo rin kung bakit ko 'to nagawa sa'yo. Baka magpasalamat kapa nga kung bakit nangyari 'to."


"Eh pucha naman pala!" Halos pasigaw na mura ni Helaena. "Sinong taong magpapasalamat dahil sinaktan sila at pinagpalit sila sa iba? Ha? Sino?"


"Alam kong hindi mo'ko maiintindihan ngayon kahit ano'ng sabihin ko. Pero—"


"Talagang hindi. Ano? Gano'n lang ba yon? Salamat dahil niloko mo'ko? Salamat dahil pinagpalit mo'ko? Salamat dahil sinaktan mo'ko? Salamat dahil hindi ko alam kung pa'no bubuuin ulit ang puso ko na dinurog mo? Gago ka pala eh! Gago!" Pa ulit  ulit na mura ni Helaena habang walang humpay ang pag agos ng mga luha niya.


"Helaena—"


"Pinaglaban kita, Brylle. Pinaglaban kita. Pero ikaw, bigla nalang bumitaw at sumuko ng gano'n gano'n nalang? Sabihin mo nga sa'kin, mahal mo ba siya?"


Hindi sumagot si Brylle sa tanong ni Helaena.


"Tignan mo'ko at sagutin mo ang tanong ko." Pasigaw na utos ni Helaena. "Mahal mo ba siya kaya papakasalan mo siya? Sagutin mo'ko, Brylle. Mahal mo b—"


"Si Liv ang karapat dapat para sa'kin at hindi ikaw."


Parang nahulog muli ang puso ni Helaena ng marinig ang mga sinabi ni Brylle. Lalo tuloy siyang napaiyak.


My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon