Chapter 8

183K 4.2K 494
                                    

KINUHA ni Wilson ang bagay na inilagay ni Samantha sa drawer sa loob ng closet. It was a small white envelope that looks like an invitation, or a greeting card. May nakasulat na note sa naturang envelope— Just a reminder just in case you've forgotten how to obey.

Agad niyang kinuha ang laman ng sobre, isa iyong flash drive. Alam niyang masama ang nangingialam ng gamit ng iba pero curious siya sa dahilan nang tahimik na pag-iyak ni Samantha habang pinapanood ang laman niyon. Bigla na lang nitong pinatay ang laptop nang pumasok siya ng kwarto. May package na ipinadala kay Samantha kanina lang ang ama nito at mukhang ang flash drive na ito ang laman.

Umupo si Wilson sa tapat ng desk kung saan naroon nakapatong ang kanyang laptop at isinalang ang flash drive. Isang file lang ang laman niyon at isa iyong video. Wilson tapped his fingers on the desk while waiting for the video to play. Automatikong napaayos mula sa pagkakaupo si Wilson nang mag-play ang video. Isang batang babae ang nagsusumiksik sa isang sulok na takot na takot. Umiiyak. Pagkalipas ng ilang sandali ay lumabas ang isang lalaki na may hawak na latigo sa kanang kamay. Lalong nahintakutan ang bata.

"Hubarin mo ang damit mo!" Mahina pero napakatigas ng boses ng lalaki. Talagang mangingilabot ang isang paslit sa boses palang nito.

"Papa, huwag po! Hindi na po ako uulit!" pagmamakaawa ng bata habang umiiyak.

"Hubad!" Marahas na iniling ng bata ang ulo habang walang tigil sa pag-iyak. Nang bahagyang pumaling ang ulo ng lalaki sa gawi kung saan naroon ang camera ay noon niya ito nakilala. Si Robert Swift and the kid... it was Samantha. Inilapit ni Wilson nang husto ang mukha sa laptop at pinakatitigang mabuti ang nangyayari sa screen.

"Pa—"

"Hubad!" malakas na sigaw ng lalaki. Nanginginig ang mga kamay ng batang hinawakan ang laylayan ng pulang bestida at dahan-dahan iyong itinaas para hubarin.

"Ang sabi ko sa 'yo susunod ka sa lahat ng sasabihin ko, hindi ba?!"

Sunod-sunod ang ginawang pagtango ng bata. "Opo, papa, opo!"

"Pero hindi mo ginagawa, Samantha! Ilang ulit kong sasabihin na hindi ko gustong babanggitin mo sa pamamahay ko ang pangalan ng puta mong ina!"

"Sorry po, papa! Sorry po! Hindi ko na po uulitin!" Mabagal ang ginawang paghakbang ng lalaki patungo sa likuran ni Samantha.

"Siguro naman sa gagawin ko sa 'yo magtatanda ka na. Susunod ka sa lahat ng gusto ko!" Robert swung his arm, and the bullwhip in his hand whipped through the air and cut deeply into the kid's thin flesh. Isang malakas na sigaw ang kumawala mula sa bata. Tinamaan ito sa likod. Lumiyad ito sa sobrang sakit na natamo. Maging si Wilson ay napakislot sa kinauupuan nang makita kung paanong hiwain ng latigo ang manipis at murang balat ng bata. Umagos ang mapulang dugo mula sa malaki at malalim na hiwa. Pakiramdam niya ay sa kanyang balat tumama ang latigo. Pinanayuan siya ng balahibo. Nangingilabot.

"Susunod ka sa anumang ipapagawa at sasabihin ko sa 'yo!" Napapikit si Wilson nang muling pumalahaw ang bata nang muling tumama sa likod nito ang latigo.

"Pa...pa... ta...ma na...po." Halos hindi na ito makahinga sa sobrang pag-iyak. Nakataas ang kamay para pigilan ang sariling ama sa kalupitan. Muli pa sana itong lalatiguhin pero bumagsak na ang walang malay na katawan ng bata sa sahig. Hindi na marahil kinaya ang sakit.

Wilson leaned back in his swivel, and blew out a breath he'd been holding in his lungs without realizing it. His chest was tight with horror and grief. Dahan-dahan niyang ikinuyom ang nanginginig na palad na nakapatong sa kanyang mga hita. Ang tibok ng puso niya ay hindi makalma. Samo't saring emosyon ang lumulukob sa kanya, pero matinding galit ang nangingibawbaw at matinding awa ang narararamdaman niya para kay Samantha.

Fatal Attraction 3: La Impostora Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon