Chapter 20

29.8K 834 25
                                    

"Ano ba?! Huwag mo nga akong mahawak hawakan! Naiinis ako sa iyo!" Singhal ko kay Mikael. Paano ba naman sinundan siya ng babaeng reporter na kasama niya sa Zamboanga. May pa 'oh my god what a coincidence' pang nalalaman ang babaeng iyon? Eh, halata naman ini-stalk niya ang buwisit na malibog na ito.

"Babe, naman I did not know she's here." Pagtanggi nito sabay hawak sa beywang ko. Ngumuso siya at nilapit sa nguso ko. Tinagilid ko ang mukha ko kaya lumanding sa pisngi ko.

Ang kinaiinis ko pa hindi man lang ako pinakilalang girlfriend niya. Napasimangot na naman ako, speaking of the malandi ang kapal ng mukha. Alam naman niyang may kasama si Mikael malibog talagang hindi na umalis.

"Sorry natagalan ako sa C.R." Tumaas ang kilay ko. Oh, eh, ano ngayon natagalan siya? Hindi ka pa umalis buwisit kang babae ka.

"Oh, by the way Ms. Delmar I want you to meet my fiancee Felicity Natividad." Pakilala sa akin ni Mikael. Buti naman no?! Para naman nagulat ang babae sa sinabi ni Mikael. Napangiti ng peke para siyang orocan ang plastic na matibay

"Oh, you haven't told me Mikael you have fiancee. By the way nice to meet you" Wika ng babae pero hindi naman nakipagkamay. Pero okay lang ayokong mahawakan ang kamay niyang puro bacteria ng kalandian baka mahawa pa ako. Napaismid ako sa harapan ng babae. I don't care if she saw it. Who cares!

"Mikael I'm going to the restroom" Wika ko. Napatingin si  Mikael sa akin.

"Sasamahan na kita babe."Inirapan ako ng babaeng orocan. I-upper cut ko kaya ito. Tingnan natin kung makakairap pa siya sa akin. Magtri-trip around the world siya!

"Huwag na, kaya kong pumunta doon. Hindi ako baldado para samahan mo pa ako." Sarcastic na  wika ko kay Mikael. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago pumayag.

Medyo marami ang gumagamit ng restroom kaya natagalan ako. Pagkabalik ko nagtatawanan na ang dalawa. May pahawak-hawak pa ang babae sa braso ni Mikael. Teka lang hindi ba magkaharapan lang sila kanina bakit ngayon magkatabi na sila?

Nag-init ang bunbunan ko. Kung kanina maligamgam lang, ngayon mainit na mainit na to the highest level ng makita kong hinalikan ng babae si Mikael sa lips.

" What is the meaning of this?" Galit na wika ko. Nagulat si Mikael ng makita niya ako. Parang nakakita ng multo ang hitsura niya. Dapat lang siya magulat sawang-sawa na ako sa ganitong sitwasyon. Lagi na lang may babaeng lumalapit sa lalaking ito.

"Wait babe it's not what you think. " Marahas ko siyang hinarap.

"Ano?! It's not what I think palagi ko na lang nababasa iyan sa wattpad pati ba naman sa totoong buhay? It's not what I think pa rin?" Wika ko. Pumameywang ako kahit na nanginginig ang mga kalamnan ko sa galit.

"Oh, eh, ano naman ang iisipin ko sa ginawa ng babaeng ito?! May magnet ang nguso niya kaya napunta sa nguso mo?! Kaya kayo naghalikan? My god Mikael hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi ko alam ang ibig sabihin niyan! At ikaw babae alam mo naman may fiancee na itong lalaking ito gumagawa ka pa ng way para maakit mo siya! Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo?!" Mahabang litanya na wika ko sa dalawa.

" How dare you to accused me! Hindi ako lumalandi sa fiance mo!" Aba hindi daw siya lumalandi anong tawag dun sa ginawa niya? Nakita ko siya ang humalik kay Mikael. Padarag kong kinuha ang shoulder bag ko sa may upuan. Tinalikuran ko na sila para hindi nila makita na maiiyak na ako.

Hindi na siya nakuntento sa akin. I admit hindi naman ako kaseksihan. Wala rin akong masyadong hinaharap tapos bansot pa ako. Bakit hindi na lang niya ako mahalin ng walang level, ika nga nila.

"Babe! Please let me explain, okay!" Hinablot niya ang braso ko. Tinabig ko ang kamay niya.

"Ano pa ba i-eexplain mo, nakita ko naman na! Hindi ba ako sapat para sa iyo? Hindi ba ako kamahal- mahal dahil ano?! Dahil wala ako na meron siya!" Hindi ko namalayang tumutulo na ang luha ko.

" Dahil hindi ko kayang ibigay ang kaya nilang ibigay sa iyo. Kasi hindi naman ako ganoon kagarapal para gawin ang mga bagay na nakakapagpasaya sa isang lalaki. Kaya kung kulang pa ako sa iyo maghanap ka na lang ng babaeng pupuno sa pangangailangan mo. Dahil hindi ako iyon" Pinahid ko ang luha ko pagkatapos tumalikod na ako. Good thing may humintong taxi at sumakay na ako doon. Hindi ko na siya nilingon, narinig kong tinatawag niya ang pangalan ko.

"Ma'am, humahabol po ang boyfriend niyo." Wika  ni Manong driver.

"Huwag niyo na lang pansinin Manong." Wika ko habang nagpapahid ng mata kong hindi matigil sa pagluha. Hindi ko nahabol si Felicity. Godamnit! Bakit ko ba hinayaan na halikan ako ng babaeng iyon?

"Mikael you don't have to chase her. She is not worth it." Biglang nagpanting ang teynga ko sa sinabi niyang she is not worth it.

"You don't have the right to say that to my fiancee! Because you know what?! She is more worth than you or any other woman here!" Akmang hahawakan niya ang braso ko ng tinabig ko iyon. Nagulat ito sa ginawa ko.

"Don't you ever lay your hands on me, bitch!" Galit na wika ko na ikinagulat ng mga taong nasa paligid namin pati sa babae. Dahil sa kanya nagalit sa akin ang mahal kong si Felicity.

Umalis na ako para sundan ang girlfriend ko. Gusto kong suntukin ang sarili ko dahil pinaiyak ko ang mahal ko.

Pinuntahan ko ang bahay ni Felicity. Naka-open ang gate kaya dumiretso na ako sa loob.

Narinig kong may kausap si Felicity at umiiyak. Pinipiga ang puso ko na naririnig na umiiyak siya dahil sa akin.

"Ayoko na suko na ako sa relasyon namin. Lagi na lang ako nasasaktan. Kung dati hindi ko naman iniisip ang ma-insecure, ngayon sobrang insecurities na ang pumapaloob sa sistema ko dahil sa Mikael malibog na iyan." Umiiyak na wika ko kay baklang fanot. Tinawagan ko siya para mahingaan ko ng sama ng loob.

"Nag-usap na ba kayo huwag ka padalos-dalos ng decision baka pagsisihan mo iyan" Napabalikwas ako ng bangon sa sinabi  niya.

"Ako pa talaga magsisisi. Siya dapat ang makaramdam ng pagsisisi hindi ako! Pinapunta kita dito para i-comfort ako. Parang pinalalabas mo ako pa ang naging masama. Baklang ito!" Galit na sabi ko.

"Hindi naman sa ganoon. Pag-usapan niyo 'yan ng hindi nag-aaway. Minsan kasi dahil sa bugso ng damdamin nakakagawa tayo ng decision na mali. Pagkatapos kapag na-realize mo na tsaka mo palang pagsisihan ang mga naging decision mo." Paliwanag ni fanot. May point siya pero tama ba na ipakita sa harapan ko kung paano niya ako lokohin?

"So ano gagawin ko kakausapin ko ang malibog na Kael na iyon para ano?! Para ulitin niya ulit ginawa niya sa akin. Hindi na no?!"

Napasubsob ako sa unan habang umiiyak. Naramdaman kong hinaplos ni Stefano ang likod ko. Matigilan ako ng naramdaman kong nahiga siya sa tabi ko at niyakap niya ako. Anong drama nitong bakla na ito? Dinilat ko ang mata ko, mukha ni Mikael ang bumungad sa akin. Nagmamakaawang tingin ang nakita ko sa kanyang mga mata.

"Babe, I am sorry kung lagi na lang kitang nasasaktan. Pero hindi ko magagawang saktan ang pinakamamahal kong babae. Sadyang may mga tao lang na gustong sirain ang relasyon natin. Please babe huwag kang bibitaw dahil ako kakapit ako para sa pagmamahal ko sa iyo. Kahit sino pa ang humalik or yumakap sa akin. Tanging ikaw lang ang laman ng puso't isipan ko." Nakita kong may luha sa gilid ng mata ni Mikael. Napaiyak ako dahil sa sinabi niyang mahal niya ako.

"I love you so much, babe." Bumangon kaming pareho. He cupped my face and kiss my forehead, my nose and my lips." Tumugon ako sa halik niya. Ikinawit ko sa leeg ang kamay ko.

Kapwa kami hingal na hingal sa halikan namin. Sinuklay ng kamay ni Mikael ang magulo kong buhok.

 You are so beautiful babe. Ikaw ang apple of the eye ng mga mata ko. Ikaw ang energy drink ng buhay ko. Ikaw rin ang viagra ng aking sandata. Pangalan mo palang tumatayo na, paano kapag umungol ka pa. Damn it babe!" Bigla nitong sabi sa akin. Natatawa ako sa pinagsasabi niya. Namumula na ang mukha ko sa word niyang mahalay.

"Ikaw talaga kahit kailan ang libog mo!" Napanguso ako.

"Sa 'yo lang ako ganito, babe. Mahal na mahal kita tatandaan mo 'yan." Nagyakapan kaming dalawa. Nagulat kami nang makarinig ng kalabog sa labas ng kuwarto ko. Nagkatinginan kami ni Mikael. Oh my God, si Stefano!

"Shit! Babe, stay here. Huwag kang lalabas." May hinugot sa likuran niya si Mikael. Nandito na naman yata ang gustong dumukot sa akin? Wala na bang katapusan ito?

Copyright©2017
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES 1 My Mister Soldier( Mikael Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon