QUINQUAGINTA UNUM

1K 76 5
                                    

Malapit nang matapos ang paglalakbay ng grupo. At habang sinusundan namin sila, hindi ko maiwasang hindi kabahan. Iba pala talaga kapag alam mo na ang mga mangyayari. Iba ang pakiramdam kapag nakikita mo mismo silang hinaharap ang iba't ibang pagsubok dito sa loob ng maze.

Binalot ng tensyon ang paligid at tumigil kami sa paglalakad ni Circe. Kasabay nito ay ang pagkabasag ng salamin.

Dito nila--namin--kakaharapin ang sari-sarili naming mga ilusyon.

"We should just wait for them." Ani Circe at naupo sa taas ng isang puno. Tumango na lang ako pero nakatitig pa rin ako sa malawak na kadiliman na nababalutan ng hamog. Hindi ko na alam kung anong mga nangyayari sa loob, pero naririnig ko ang boses ng iba sa kabilang bahagi ng hamog.

"The mist is a trap. Nabihag tayo ng mga ilusyon.. Mabuti na lang at nakakawala ka."

Boses iyon ni Circe. Naalala kong ito ang oras na nakalabas ako sa kamuntikan ko nang katapusan. That illusion of Jasmin almost struck me senseless. Muntik na akong nakulong sa ilusyon na iyon.

"Tsk. Siyempre naman! Ako pa ba?"

My own voice. Mayamaya pa, narinig ko namang nagsalita si Falcon,

"Quit boasting, bastard. The journey doesn't end here." Nakakamiss din pala ang boses ng gagong 'to.

Huminga ako nang malalim. Ang tagal naman. Hindi ba pwedeng i-fastforward?

"H-Have you see El? Hindi pa siya nakakalabas!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Cameron. Oo nga pala, hindi pa nakakalabas ng ilusyon si Elora. Humakbang ako palalapit, pilit ko siyang inaaninag sa kabila ng makapal na hamog. I know she managed to get out, pero gusto ko lang makasiguro.

"Wala na tayong magagawa para sa kanya, Archer. She needs to get out of her own illusion and face her fear alone. Ipagdasal na lang natin na kayanin niya."

"That's bullshit! Paano kung hindi siya makalabas?!" Sigaw ng dating ako. Sinundan ito ng nakabibinging katahimikan.

Ilang minuto kaming naghintay. Circe got down from the tree and frowned. "Hindi siya ganito katagal lumabas noon.. May mali dito, Archer."

"Walang mali dito, Circe. She's Elora. I'm quite confident that she'll get out in the next few seconds.."

I forced myself to be optimistic. Damn it! Kanina pa ako kinakabahan dito pero pinipilit ko lang alalahanin na nakalabas noon si Elora. She will not be trapped in whatever illusion she's having..

Pero nagdaan na yata ang sampung minuto, hindi ko pa rin naririnig ang boses niya.

Shit.

"Archer!"

Hindi na ako napigilan pa ni Circe. Wala akong pakialam kung ginugulo ko ang timeline na 'to. That's the least of my worries now. Tumakbo ako papunta sa hamog, at sinalubong ng walang hanggang kadiliman. Nawala na ang lupang tinatapakan ko. Nagpalinga-linga ako, nagbabaka-sakaling makita ko si Elora.

"Elora?!"

Walang sumagot. Naramdaman kong bumilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Ayokong isipin kung anong posibleng nangyayari sa kanya. Pilit kong kinalma ang sarili ko at naglakad-lakad. 'Tangina, nasaan na ba siya?!'

"G-Get away from me.."

Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses niya. "Elora?" I ran towards the direction of the voice. Hindi ko na maramdaman ang mga paa ko at pakiramdam ko kinakapos ako ng hangin sa lugar na ito.

Sa wakas, nakita ko na siya.

Elora stood rigidly, kitang-kita ko ang panginginig ng mga tuhod niya. Ramdam ko ang takot na namamayani sa kanya. I turned to what she was looking at and saw death itself. Papalapit ito sa dalaga at sa parang anumang oras, hihimatayin na ito.

✔The Bloodsucker's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon