Chapter 12: Back in Class Zero

87.1K 4.8K 1K
                                    

"JAMIE, hindi ko alam na ganyan ka ka-iresponsable," napapapikit na lang ako habang sinasalo ko ang sermon sa akin ni sir Santos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"JAMIE, hindi ko alam na ganyan ka ka-iresponsable," napapapikit na lang ako habang sinasalo ko ang sermon sa akin ni sir Santos. Paano kasi ay hindi ko nabili yung mga gamit na pinapabili niya sa akin for the orientation, nakalimutan ko na dahil nga sa nangyaring gulo.

"Sir, sorry po. Mamaya na lang po ako bibili," Nakayuko kong sabi dahil medyo nahihiya nga ako kay sir Santos.

"Sa ganyang kundisyon mo, Jamie?" Pinagmasdan ko ang aking sarili at may benda sa aking hita, gumagamit din ako ng saklay bilang alalay sa aking paglalakad. "I think, instead of buying those stuffs, magpahinga ka na lang. Sa iba ko na lang ito iuutos." sir Santos sounds disappointed. Wala naman akong magagawa dahil hindi ko rin naman kagustuhan ang ginawang pag-atake nung lawbreakers.

"Okay sir," iniabot ko sa kanya muli ang list at ang pera. "Sorry ulit, sir." Nagbuntong hininga si sir at naglakad na ako palabas.

Pagkalabas ko pa lang ng faculty room ay sumalubong na agad sa akin sina Aris, Diana, at Casey. "O, 'te, kumusta? Pinagalitan ka ba ni sir Santos?" tanong sa akin ng baklang si Aris at sinabayan nila ako sa paglalakad. Actually, may klase ako at ihahatid nila ako sa classroom namin.

Kahit ibang section 'tong tatlong 'to ay talagang naka-close ko sila ke'sa mga kaklase ko. Okay na rin 'yon, mas gusto ko pa ang small circle of friends ke'sa sa madami nga akong kaibigan pero karamihan naman ay peke.

"As usual, nagalit si sir. Actually, hindi siya nagalit, parang na-disappoint lang siya ganoon," kuwento ko sa kanila at lumiko kami sa isang pasilyo. "Hindi ko naman kasalanan na tumama ang hita ko sa isang bakal, 'no!"

Hindi nila alam na tatlo ang tungkol sa mga gawain ng Class zero kung kaya naman napipilitan ako gumawa ng mga kasinungalingan para lang mapagtakpan ang secret objectives/mission ng class zero.

"Sinisi mo pa yung bakal," sabi ni Casey at napatawa naman ang dalawa. "Ganito na lang, samahan ka na lang muna namin ikaw sa dorm mo afterclass. Okay ba 'yon?" She asked. Gustong-gusto nilang tatlo na tumatambay sa dorm ko dahil mas malaki daw ito kumpara sa normal na dorm room.

"Hindi puwede, may klase pa 'ko sa class zero." I informed them. Napatigil silang tatlo sa paglalakad kung kaya't napahinto rin ako. "Bakit? May mali ba sa sinabi ko?"

"Akala ko ba aalis ka na sa class zero?" Tanong sa akin ni Diana.

"Well, sa tingin ko ay wala namang rason para--"

Napatigil ako sa aking sinasabi nung bigla na lang silang yumakap na tatlo. "You know, alam naman talaga namin na gusto mo pa ring mag-stay sa class zero, eh. Buti na lang at hindi ka umalis... May chance pa rin kaming makalapit kanila Seven at Ace!" Sabi ng baklang si Aris at napailing na lang ako. Lalaki pa rin talaga ang nasa isip ng mga 'to.

Siguro nga ay hindi ko naman talaga gusto na umalis sa class zero. Talagang inunahan lang ako ng kaba noong mga nakaraang araw kung kaya't idinistansya ko ang aking sarili sa mga activities nila. Ngayon, sobrang magiging masaya pa ako na makabalik sa Class zero dahil may rason na ako para manatili... Iyon ay ang tulungan ang mga tao laban sa mga lawbreakers.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon