Capítulo Especial

182K 3.6K 154
                                    

Capítulo Especial

Aura

"M-Mommy, I can't sleep." Nakalabing sabi ng four years old kong anak na si Klaus Lorenzo pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto namin ni Migi.

Mag aalas diyes na ng gabi. Gising pa ako dahil may tinatapos ako para sa work habang tulog na tulog naman ang asawa ko. Ang dami kasi niyang business meetings these days kaya palagi siyang pagod.

Nagtatrabaho na ulit ako sa SMH. Migi and I talked about it. Hindi niya ako pinagbawalan na magtrabaho ulit. In fact, sobrang supportive pa nga niya dahil alam niyang mahal ko ang pagiging nurse ko. He totally understands my passion.

Hindi siya iyong tipo ng asawa na mag dedamand na maging housewife na lang ako. As long as alam ko kung ano ang priorities ko at meron akong time management ay susuportahan niya ako. It's all about learning the art of balancing.

And besides, hindi naman ganon ka-heavy ang work ko compared before dahil si Migi na ang may-ari ng pinagtatrabahuhan ko. Iyon lang ang request niya sa akin. Morning ang duty ko at eight hours lang dapat.

He fully owns the hospital now dahil nabili na niya ang natirang shares sa underground society na pinagkautangan ni Luke dati. Sa kanila kasi automatically napunta 'yon because of my late boss' debts.

May mga yaya naman kami pero mas gusto ko pa ding maging hands on mom. Si Miguel kasi e. Gusto talaga niyang mag hire ng help para daw may makatulong kami sa pag aalaga at para na din daw may bantay pag nasa school or what bukod sa driver namin.

Umupo ako para mag pantay kami. "Hmm.. Anong gusto ng baby boy ko?" Nakangiti kong saad habang hinahaplos ang itim na itim niyang buhok.

Kamukhang kamukha niya si Migi, iyong original na mukha niya talaga pero hindi din naman nalalayo sa kung ano ang itsura niya ngayon. Ang hirap i-explain pero basta, ayun na 'yon.

Iyong ama niya ang halatang pinaka nag enjoy sa honeymoon namin kaya kamukha siya ni Klaus. Yes, honeymoon baby ang panganay namin. Wala e, sharpshooter talaga ang asawa ko.

He looked at me with those adorable puppy coffee colored eyes while pouting his lips. Mahina akong napahalakhak. Alam ko na. Gets ko na kung anong gusto ng anak ko.

I playfully squinted my eyes at him. "Let me guess, hmm.. You're hungry? You want oreos and milk?" I asked in a soft voice at baka magising pa si Migi.

Klaus let out a wide smile and bopped his head up and down a couple of times. Nailing na lang ako habang nakangiti. He's too cute.

Dahan dahan kong isinara ang pinto at hinawakan si Klaus sa kamay para pumunta ng kusina.

Umupo ito sa isang bar stool sa may kitchen island namin habang seryosong pinapanuod ako sa ginagawa ko. Nakakunot pa ang noo nito, parang si Migi lang. Manang mana talaga.

"Here you go, baby.." I said as I put the glass of milk and some oreo cookies in front of him.

Nawala na ang pag seseryoso ng itsura niya at agad na napalitan ng kasiyahan. Umayos ito ng upo bago kumuha ng isang piraso. Favorite niya kasi ito.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon