Prologue

63.4K 947 563
                                    



Zaparta's POV

"Wait, wait, wait! alam ko yan, alam ko yan!" tumingin ako kay Ate Zoe na sumisigaw sigaw habang nakaduro sa envelope na hawak ko. Nakita ko ito sa mailbox namin ngayon. Nakapangalan sakin ang envelope pero hindi ko alam kung kanino galing dahil walang nakasulat kung sino nagpadala nito. May gold rose na nakadesign at dragon.

"Malamang." nakairap na sabi ni Ate Alexa. Gusto kong matawa sa dalawa. Natutuwa ako kapag sinusungitan ni Ate Alexa si Ate Zoe na hindi naman naaapektuhan sa sinasabi ng asawa.

"Ano ba yan?" takang tanong naman ni Mama habang parehas sila ni Papa na nakatingin sa envelope na hawak ko.

"Alam ko yan!" sigaw ulit ni Ate Zoe.

"Zoe!" napa-facepalm si Ate Alexa kay Ate Zoe na lagi na lang hyper. Sa edad nyang 40 years old para syang batang umasta minsan. Hindi din naman halata sa kanya na 40 years old na sya dahil ang bata nya pang tignan.

"Ano ba 'yon at ang ingay ni Zoe?" mula sa likuran nila Ate Zoe na kakalabas lang galing kusina si Kuya. "Teka, parang alam ko yan ah. Yan ba yung envelope na galing sa Dragon Basketball Girls Internation Training Camp?" at nasabi na ni Kuya kung ano ba talaga ang envelope na 'to.

"Kuya! bakit mo sinabi? ako nga magsasabi non eh!" maktol ni Ate Zoe. Oh 'di ba? parang bata.

Napatingin ako sa envelope na hawak ko at hindi pinansin ang sermon ni Ate Zoe kay Kuya.

"Buksan mo na anak para malaman natin kung ano nilalaman nyan." sabi ni Papa.

Tumango ako at kinuha ang nilalaman ng envelope. Nakaabang naman sakin ang lahat. Isang papel na mukhang mamahalin dahil sa ganda ng design nito at mabango pa. Mababasa agad sa papel ang Congratulations na nasa gitna at itaas ng papel. Binasa ko ang nakaligay sa papel. Hindi naman sumilip sila Ate Zoe pero nakangiti sila. Mukhang alam na nila kung ano ang nilalaman nito. Natural, naggaling sila dito kaya alam na alam nila.

"Hindi ko alam na nagtry-out ka pala sa training nila." sabi ni Ate Zoe habang nagbabasa ako. "Maganda yan Zap, lalo ka gagaling sa paglalaro ng basketball, 'di ba hon?" yumakap sa likuran ni Ate Alexa si Ate Zoe. Ganyan yan si Ate Zoe kahit madaming tao sa paligid, kung gusto nyang lambingin si Ate Alexa, wala syang pakialam.

"Yeah. Congratulation at isa ka sa napiling itra-train nila." sabi ni Ate Alexa na nakangiti sakin.

"Oh bakit hindi ka masaya, anak?" tanong ni Mama kaya naman nagtatakang tumingin sakin sila Ate.

Ibinalik ko sa loob ang papel at sumagot sa tanong ni Mama. "Hindi ako magtra-training sa kanila."

"Ano?!" sigaw ni Ate Zoe at Kuya. Nakita kong napangiwi si Ate Alexa dahil sumigaw si Ate Zoe malapit sa tainga nya.

"Pero bakit?" takang tanong ni Ate Alexa at inilayo ang mukha ni Ate Zoe.

"Sumali ka pa sa try-out nila kung hindi mo rin pala gusto magtraining sa kanila." sabi ni Ate Zoe na nakakunot ang noo.

"Hindi naman ako nagtry-out sa kanila." sagot ko. Ibinaba ko sa lamesa ang envelope. Kita sa mukha nila ang pagtataka sa sinabi ko.

"Huh? eh paano ka naman nila nabigyan ng invitation kung hindi ka nagtry-out?" tanong ni Kuya.

"Hindi ko alam sa kanila. Ayon sa nakasulat, nakita daw nila ang potential ko sa paglalaro ng basketball kaya iniimbitahan nila akong magtraining sa kanila." sinabi ko kung ano ang nakasulat sa papel.

"Bakit ayaw mo? magandang pagkakataon ang mag-training sa camp." sabi ni Ate Zoe. Alam ko naman 'yon dahil doon sya gumaling sa paglalaro at nakilala sa larangan ng basketball. Kahit sino na nabigyan ng pagkakataong magtraining sa camp na 'yon, makikilala agad. Hindi dahil sa pangalan ng camp kundi dahil sa galing ng bawat player doon.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now