CHAPTER TWENTY-FIVE: Scandal in Clark High

38.4K 1.6K 412
                                    

ERALD

           

WE THOUGHT that only a powerful earthquake could shake and shock Clark High.

But we were wrong.

Martes ng umaga, umalingawngaw ang bulung-bulungan sa bawat classroom at corridors. Students had their phones out, showing to the unaware what the latest news was.

Gaya ng nakasanayan, wala akong pakialaman sa kung ano ang pinag-uusapan nila. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad sa kahabaan ng hallway habang inoobserbahan ang mala-bubuyog nilang bulungan. Meron na namang tsismis siguro na pinasabog ang Clark High Confessions page kaya active na active ang mga tsismosa ng bayan.

At dahil maaga pa, dumaan muna ako sa clubroom. This week was going to be a busy one as we continue crossing names off our list of potential K-OS Club accomplice. Nadatnan kong nasa loob na sina Clyde at Charlotte, nakatutok sa phone na nakalapag sa mesa.

Pati ba naman sila, nakikiusyoso sa kung ano ang hottest topic sa campus? Itong si apat-na-mata, imbes na ituloy ang pag-i-interrogate, nagawa pang maki-tsismis. We have a job to do!

"Good morning, Erald!" nakangiting bati ni Charlotte. Inihagis ko sa bakanteng upuan ang bag ko at umupo sa katabi nito. "Have you seen the latest post on the Clark High Confessions?"

I rolled my eyes. Sabi ko na nga ba, 'yon ang pinagkakaabalahan nila ngayong umaga. Matagal ko nang in-unfollow ang naturang Facebook page. Matapos kong i-expose ang mole sa loob ng Clark Clarion na nagle-leak ng tsismis sa kanila, wala na akong nakitang pakinabang doon. Ayaw ko ring makabasa ng blind items at walang kwentang confessions sa feed ko.

"I haven't and I don't care," I yawned. "Wala ba kayong magawa ngayong umaga kaya 'yan ang napagdiskitahan n'yong pagtuunan ng pansin? Don't we have better things to do instead of reading gossips?"

"If you have read the newest confession, you would understand why it got our attention," Clyde explained, looking at me sidewards. "At sigurado akong kapag nabasa mo, magkakaroon ka rin ng interes. See for yourself."

"Fine! Fine!" nagmamaktol kong tugon. In-open ko ang Facebook app sa aking phone at pumunta sa page ng Clark High Confessions. My thumb scrolled past the unnecessary stuff and looked for the latest post. At first, I thought it was just a petty blind item with a video. Nang mabasa ko kung sino ang sender, napabalikwas ako ng pagkakaupo at namulagat ang aking mga mata.

The confession came from the wanted K-OS Club. The caption read, "Kanino kaya ang mga boses na 'to? Hulaan!" Pang-tabloid talaga, ha?

I clicked the play button on the video. Puro itim lang ang nakita ko. Ang akala ko nga'y nagba-buffer pa lang. Ilang segundo ang lumipas bago ako nakarinig ng pagkaluskos ng pinto at tila pagpindot sa doorknob. The next sound that I heard were familiar voices, that of a boy and a girl.

"Babalik pa ba sina Madelaine at Reign?"

"I don't think so. I already dismissed them. They probably went home already."

"That's good. We can now..."

"Oh! Not there!"

"Come on! We've been busy the past week. We didn't have time to—"

"Yeah, but—"

"Wala na ring mang-iistorbo sa atin kaya wala kang dapat alalahanin."

"Please, not there!"

What I heard next gave me goosebumps. I could hear their lips kissing and the table moving. Pero hindi roon tumigil ang tunog. Sinundan pa 'to ng mga mahihinang pag-ungol.

The Enigma of EraldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon