Chapter 1

22.5K 758 267
                                    


"Zap!" tumigil ako sa paglalakad para lingunin ang tumawag sakin. Ang kaibigan ko na si Marceline. Hinintay ko syang makalapit sakin.

"Goodmorning." bati ko sa kanya nang makalapit na sya sakin.

"Zap! tignan mo!" inilahad nya sa harap ko ang pamilyar na envelope. "Galing ito sa Dragon Basketball Girl International Training Camp at nakapasa ako! isa ako sa itra-train nila!" tuwang tuwang sabi nya.

"Wow congrats." nakangiting sabi ko sa kanya.

Idol na idol ni Marceline ang Dragon Empire. Laging nangunguna sa larangan ng basketball ang Dragon Empire. Sumusunod sa kanila ang Miracle at Shakers. Sa panahon lang ni Tita Kill natatalo ng Miracle ang Dragon Empire at ganon din ang Shakers. Malayong malayo ang mga players ng Dragon Empire sa ibang team dahil ayon kanila Ate Zoe, maraming natututunan sa training kaya mahirap talunin ang Dragon Empire.

"Thank you. Gosh, I can't believe it!" tuwang tuwa pa din sya. Napailing ako. "Sayang kasi hindi ka sumali sa try out nila edi sana dalawa tayong magtra-training sa kanila."

"Paano ka makakasigurado na papasa nga ako dyan?"

"Duh, mas magaling ka kaya sakin, Zap." sabay irap nya.

"Hindi ako magaling, Marceline." sabi ko. Inirapan na naman nya ako.

"Wag ako, Zap. Kahit sinong tao dito sa lugar natin kilala ka na magaling na player sa basketball. Trinain nila Tita Kill, Ate Alexa, Ate Zoe at mga kaibigan nya. Mga bigatin kaya sila." napailing ako sa sinabi nya. "Saan pala punta mo?"

"Pupuntahan ko si Josh sa kanila. Sabay kami sasali sa soccer team." sabi ko.

"What?!" alam kong magugulat sya lalo na alam nyang mahal ko ang basketball noon. "Bakit? Why?" hinawakan nya ang dalawang balikat ko. "Bakit?!" niyugyog nya ako.

Gusto ko sana matawa dahil parang luluwa na ang mga mata nya sa itsura nya pero nasasaktan ako sa pagyugyog nya.

"Sawa na ako sa basketball." sabi ko at tinanggal ang mga kamay nya sa balikat ko.

"Ano?" napaiwas ako ng tingin sa kanya. "Seryoso ka ba sa sinasabi mong yan Zaparta?"

Bumuntong hininga ako. Binuo nya na ang pangalan ko, ibigsabihin, kundi sya inis o galit, seryoso sya.

"Mas mahal mo pa ang basketball kaysa sakin, Zaparta. Tag-ulan o tag-araw, nagpra-practice ka, naglalaro ka. Anong pinagsasabi mong sawa ka na? kung mahal mo ang basketball, hindi ka magsasawa."

Hindi ako nagsalita.

"Naulit na naman ito, Zaparta. Tungkol na naman ba ito kay Kriza? akala ko okay ka─"

"Hindi ito tungkol kay Kriza." putol ko.

"Then what?!" nabigla ako sa pagsigaw nya. "Okay lang na hindi ka magtraining sa Dragon Empire pero ang tumigil sa basketball at sabihin nagsasawa ka na ay napakaimpossible! Kilala kita, Zaparta. Hindi mo basta basta bibitawan ang basketball kung hindi si Kriza ang rason mo! Ilang beses ka na na-injured at ilang beses ka na din pinapayuhan ng doctor na tumigil sa paglalaro ng basketball pero hindi ka tumigil. Si Kriza lang ang tanging rason mo kung bakit ka titigil sa basketball."

Napayuko ako at napakagat ng labi.

"Now tell me, Zaparta. Si Kriza ba ang dahilan? limang taon na nakakalipas." mahinahon na ang boses nya at nagsusumayo. Lalo kong kinagat ang labi ko dahil alam kong nahihirapan si Marceline sakin.

Narinig kong bumuntong hininga si Marceline nang hindi ako sumagot.

"Wag mong itigil ang pagba-basketball, Zap."

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now