Chapter 10:Paghahanda

143 9 0
                                    

Sky's Pov

Natapos na ang pakikipag-usap namin sa pamilyang Sanchez pero nanatili lang akong nakatulala at malalim ang iniisip

Nung makita ko kanina si Marga ay parang ginanahan ako ngayong araw,hindi ko alam kung bakit

"Kanina ka pa tahimik,may problema ba sky?" Tanong sa akin ni daddy

"Wala po,dad" sabi ko naman habang hindi inaalis ang paningin sa labas

"Alam kong meron,drei" sabi sa akin ni daddy.Alam kong kapag tinawag na niya
ako sa second name ko ay seryoso na siya

"Hindi ko pa ata kayang magpakasal dad" sabi ko

"Anak,kakayanin mo,alam mo bang tinitignan kita kung ano ang magiging reaksiyon mo pag nakita mo siyang muli?at nakita kong kuminang ang mga mata mo habang tinitignan siya.Tapatin mo nga ako anak........May gusto ka ba sa kaniya?" Tanong ni daddy sa akin

Hindi ako nakapag salita bagkus ay tinanong ko ang sarili ko

Gusto ko nga ba siya??

"Wala,dad" sabi ko

"Wala nga ba talaga??" Tanong ulit sa akin ni daddy

Hindi ko siya sinagot

Bumuntong hininga na lang si daddy

"Okay,hindi na kita kukulitin pa,at alam ko ring ikaw mismo ang makakatuklas diyan sa nararamdaman mo para sa kaniya.Basta sinabihan na kita na iba ang tingin mo sa kaniya at iba rin sa ibang babae mo lalo na kay Xandra"mahabang paliwanag ni daddy atsaka tinalikuran na ako at humarap Kay mommy na tahimik lang rin

Totoo nga ba iyon??

Tanong ko sa sarili ko

Eh ano naman??tsk

Nagbuntong hininga na lang rin ako upang mabawasan ang stress ko

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa mansiyon namin

"Wala ka bang balak bumaba sky?" Tanong sa akin ni mommy

Hindi ko na lamang siya sinagot at bumaba na lang ako sa ginamit naming sasakyan

Naglakad na ako papasok ng mansiyon namin.Pagkapasok ay agad akong umakyat upang pumunta sa kwarto ko

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nahiga agad ako sa kama ko at doon nagsimulang magisip

Masyadong maraming nangyari ngayong araw kaya naman parang pagod na pagod ako lalo na ang isip ko

Nang makita ko ulit si marga kanina ay parang may naramdaman akong kakaiba na hindi ko matukoy kung ano pero ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon

Paano na lang kaya kapag mag-asawa na kami??mahalin niya kaya ako?pagtiisan niya kaya ang ugali ko??

Agad ko namang naialog ang ulo ko sa isiping iyon

Hindi!!wala akong paki sa kaniya!!ano naman kung hindi niya ako mahalin?!mas mabuti nga iyon dahil mapapa-aga ang paghihiwalay naming dalawa!!

Arrange Marriage with Mr.Playboy [ON-GOING]Where stories live. Discover now