Chapter 43

173K 3K 423
                                    

Montereal Philippines’ Gala Night.

Just like every socialite party, madaming tao… mga nakabihis ng maganda… may sari sariling grupo… dapat alam mo kung saan ka nababagay.

Pero iba ang atmosphere na mararamdaman sa mga Aragon. bakit namn nila ipipilit ang sarili nila sa iba kung kuntento na sila sa kung ano sila ngayon?

Naunang dumating sila Iko at Dara. Alam na ng lahat na si Iko ang susunod na uupo sa trono ng Tatay nya ngunit sa ngayon wala pang nakakaalam ng tungkol sa Engagement ng dalawa.  Bago pa tuluyang makapasok sa loob ng Hall ay naharang na sila ng Press People.

“Mr. Aragon, kailan po kayo magpapakasal ni Ms. Dela Cruz?”

Iko just smiled and walked. Hindi man lang sya nag abalang sagutin ang mga katanungang ibinabato sa kanya.

Sumunod na dumating sila Clinton, Venus, Clifford at Chelsea na tanging ngiti lang din ang ibinigay. sanay na sila na kapag may malaking pagtitpon ay hindi mawawala ang mga flash ng camera. Hindi na nga nila  alam kung saan titingin, tapos sa susunod na araw ay magugulat na lang sila na nasa front page na sila ng iba’t ibang  Business Magazines at News Papers.

Si Thunder ay mag isa lang na dumating .. naninibago sya sa init ng pagsalubong ng mga Press sa kanya .. hindi sya sanay .. maraming nagtatanong at hindi nya alam kung anong uunahin para sagutin .. then nakaramdam na lang sya ng isang marahang tapik sa kanyang likod .. ang Daddy nya .

“Just go. Don’t mind them.” Bulong nito. Kaya naman wala na syang nagawa kung hindi ang ngumiti na lang sa mga taong nagtatanong at kumukuha ng litrato niya.

Kasunod nila ay sila Araya at Storm na magkasama .. kasama din nilang dumating ang mga magulang nila.  Si Storm na gustong gusto ang exposure ay wiling wili sa pagsagot ng mga tanong.

Hindi agad sila pumasok sa Function Hall dahil inantay nila ang huling bisita .. eto ang gusto nilang makita .. yung nagkakastampede .. yung halos magwala ang mga tao sa pagbaba pa lang nya ng sasakyan .. at halos magpakamtay sa pagsigaw ng mga nag-aabang na fans.

“I love you Venice!”

Narinig nilang sigaw ng mga tao.

“Elo! Akin ka nalang!”

At bawat pagsigaw na anririnig nila ay ang paglawak ng ngiti nila.

“VenLo Forever!”

Chorus na sigaw ng mga tao sa labas. Kung may LawVen FansClub, hindi naman papahuli ang VenLo. Katuad ng inaasahan ay hindi agad nakapasok ang dalawa sa dami ng fans na humaharang sa kanila .. Kinailangan pa ng securuty para makapasok sila .. pero hindi lang yun .. ang mga press na kanina ay halos dumoble sa pagdating nila .. nagsisiksikan at nga uunahan ang mga ito makakuha lang ng magandang anggulo ng dalawa ..

But in the end .. nakapasok din sila ng matiwasay.

“Buti buhay pa kayo!” sabi ni Storm sa dalawa.

Naiiling lang silang lahat at sabay sabay na pumsok sa loob ng Function Hall. At ang pagpasok nila ay nagmistulang Grand Entrance na nagpalingon sa lahat ng tao sa loob. Ang mga Piling press people na nagkalat ay biglang natipon sa daraanan nila .. making them stop ..

“Here we go again ..” nakangiting bulong ni Venice. Na tila pagod na sa pag ngiti.

“This is why I hate fame.” Venus rolled her eyes.

“baka mapanganak ng maaga ang asawa ko .. kayo na bahala dyan.” Natatawang sabi ni Clifford na hinugot si Chelsea papunta sa isang open area.

Inabot sila ng ilang minuto sa pag ngiti .. pagpapakuha ng litrato at sa pagsagot sa mga tanong ng mga ito bago pa sila makaalis at makapunta sa designated table nila.

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon