CHAPTER 3

102K 3.3K 364
                                    

Chapter 3


RONALD is the perfect man for me. Wala na akong mahihiling pa sa kanya. He's caring and loving. May pangarap sa buhay at napakaresponsable niyang anak sa kanyang mga magulang. Malapit din siya sa pamilya ko. Higit sa lahat, suportado niya ang mga pangarap ko. Kaya nga kahit na mas pinili kong mag-aral dito sa siyudad ay pinayagan niya ako. Alam niya kasing malaki ang responsibilidad ko sa aking pamilya.

Maling makaramdam ako ng paghanga sa ibang lalaki. Maling tumibok nang ganito ang puso ko. Maybe I was just intimidated by Sid's looks. Mukha kasi siyang nakakatakot. Now I understand why it's hard to set an appointment with their group. Mabuti na lang at pumayag agad siya.

"How's school?"

"Ayos naman." Gumiling ako sa kama habang hawak sa kabilang tenga ang aking cellphone. Kausap ko si Ronald.

"Ikaw? Kamusta ka na riyan?" tanong ko. I heard him sighed from the other line.

"Ayos naman, mahal. Gano'n pa rin, maraming trabaho sa bukid."

"Kailan mo ako bibisitahin dito?" Lumabi ako. Noong unang taon ko rito sa siyudad ay halos buwan-buwan niya akong binibisita. Ngunit nang tumagal ay dumalang na. Sabagay, pareho kaming tutok sa pag-aaral.

"Pasensya ka na, mahal. Hayaan mo, 'pag hindi na ako masyadong abala, pupuntahan kita riyan."

Inikot ko nang palihim ang aking mga mata. Gano'n pa man ay itinago ko ang pagkadismaya sa aking boses.

I've heard those words from him many times already. Alam kong mali ngunit paminsan-minsan ay halos hindi ko na maramdaman ang relasyong mayroon kami. Dahil ba masyado na kaming komportable sa isa't isa? I'm not quite sure.

"Ronald? Anniversary natin ngayon, hindi mo ba naaalala?"

"Ha? Ah, of course, naaalala. Happy anniversary, mahal. Mag-iingat ka palagi riyan."

Iyon lang 'yon? Wala man lang kaunting lambing? Bumuntonghininga na lamang ako dulot ng pagkadismaya.

"Happy anniversary rin. I love you."

"I love you more, mahal. Sige na ha? Ibababa ko na 'to, pupuntahan ko pa si Papa."

"O...Okay."

Ako ang unang nagbaba ng tawag. Siguro kailangan ko lang din lawakan ang pang-unawa ko. Panganay rin si Ronald sa kanilang magkakapatid kaya palaging naipapasa sa kanya ang mga mabibigat na gawain. Isa pa, pareho babae ang kanyang mga kapatid.

This is our third anniversary, at hindi namin sini-celebrate ang anumang meron kami. Ang sabi ni Ronald, ang mahalaga mahal namin ang isa't isa. Isa pa, kapag nagsama na kami balang araw, we will have more time to celebrate our milestone together.

Nahulog ako sa malalim na pag-iisip kaya hindi ko napansin na nakatulog na pala ako.

...

"MARAMING salamat talaga sa'yo, Serenity. Kung hindi dahil sa 'yo ay hindi magiging ganito karami ang pupunta sa Pageant."

Ngumiti ako nang matamis kay Elza. We are at the front row seats. Napuno ang cultural center ng university. Hindi nga siya nagkamali, maraming fangirls ang Zero Degree kaya maraming pumunta mula pa sa ibang campuses para lang mapanood sila ngayong gabi.

"No, lahat tayo ay may kanya-kanyang contribution kaya natuloy ang event na ito," sagot ko kay Elza. Halata sa kanyang ngiti ang tuwa. Alam ko naman na sa aming lahat ay siya ang pinakamaraming inaalala lalo na at chairperson siya ng buong org.

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon