CHAPTER 5

95.8K 3K 435
                                    

Chapter 5

HINDING-hindi ako makikipag-date sa antipakong lalaking iyon! Oo nga't guwapo siya, matikas at may appeal. Nakakapanghina ng tuhod ang presensiya niya, pero hindi pa rin ako makikipag-date sa kanya nang ganun-ganun lang. Ano siya, sinusuwerte? He's not even my boyfriend.

Nagpagulong-gulong ako sa kama. Hindi ko lubos maisip na ang isang tulad ko ay niyayang mag-date ng Dela Vega na iyon. Wala naman siyang mapapala sa 'kin. He cannot even brag about me as his date. I'm just plain girl and a nobody. Ano na lang ang sasabihin ng mga fangirls niya kung sakaling makita nila kaming magkasama?

"Is that Sid of Zero Degree?"

"Oh my God! Ang suwerte natin! Magpa-picture tayo, dali!"

"Wait lang, sino 'yang kasama niya?"

"Err-- I think she's his personal maid."

"I agree. Look at her, she looks like a trash. Napaka-cheap tingnan ng itsura niya. Look at her dress, parang galing sa ukay. Ewww!"

"NO WAY!"

Ipinilig ko ang aking ulo. Bakit ko naman naisip iyon? There's no way I would let myself get humiliated just because of that arrogant. Guwapo na sana siya at magaling kumanta pero napaka-arogante niya. Akala niya ba kagaya ako ng mga babaeng parang binudburan ng asin sa tuwing nakikita siya? Puwes, siya ang una kong bubudburan ng asin!

Pero paano kung sisingilin nga niya ang org ng talent fee niya? Napakawala niyang puso. Ang yaman naman niya para pakialaman pa ang ticket sales.

Kaya siguro kahit ilang presidente na ang dumaan sa Pilipinas, hindi pa rin ito umuunlad, kasi 'yung mga tao mismo mga kurap. People always wanted the benefits out of everything.

Nagngitngit ang kalooban ko. Sana pala tumanggi ako nang todo kanina. Tama si Marga. Maling mag-entertain ako ng ibang lalaki gayong may Ronald na ako.

Bumuntonghininga ako. It's really hard to be me.

Pinilit kong makatulog pero ayaw akong dalawin ng antok. Nakipagtitigan ako sa kisame. I hate this feeling. Pakiramdam ko kinukutya ako ng mga butiki nang palihim.

My phone beeped. Kinuha ko iyon sa ibabaw ng lamesita. When I opened it, an unregistered number appeared.

You don't have the option to say no. Be ready. See you tomorrow.

Muntik ko nang maibato ang cellphone ko. Pakiramdam ko'y umakyat lahat ng dugo sa aking katawan papunta sa ulo ko. What on earth did he just say? At paano niya nalaman ang number ko?

Pabagsak akong humiga pabalik sa kama habang hawak ang cellphone. Agad akong nagtipa ng reply.

Be ready your face!

Gigil kong pinindot ang send button. May ideya na ako kung kanino nanggaling ang mensahe ngunit ayaw ko lang tanggapin sa sarili ko. How I hate his guts. Sana ma-realize niya na hindi ako interesado sa kanya. Style niyang bulok! Hindi uubra sa'kin 'yon!

I was halted when my phone rang. Naka-full volume pa naman kaya napapiksi ako sa gulat.

An unregistered number is calling.

Agad kong dinampot ang cellphone mula sa kama.

"Paano mo nalaman ang number ko, ha? Puwede ba, tigilan mo ako? Hindi ako makikipag-date sa 'yo! Hindi kita bet!" singhal ko sa kanya.

I heard him grunt from the other line. Kahit hindi niya ako nakikita ay kusang tumaas ang kilay ko. He probably did not expect a rejection from me.

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon