CNW 72: Allies

5.4K 363 14
                                    

Hellooo. Pleaseee pakicomment lahat ng names na tumatak sainyo (na hindi kasama nila Nightingale) kahit kaaway nya dati ganon HAHAHAHAHA tee wai!!

--

Sabay-sabay kaming sumugod sa mga players na pasugod rin sa amin. Habang pasugod, kanya-kanyang equip ng mga damit at sandata ang aking mga kasama. They are now at their best suits with overflowing auras around them.

Kahit si Alpha na nasa likod ko ay nag equip na rin sa isang itim at lila na damit kung saan may ganoong kulay din na parang tinta ngunit pataas ang tulo sa kanyang magkabilang balikat, at ang espada nitong napakalaki na sa tingin ko'y mabigat kung iba ang hahawak.

Huminga ako ng malalim. We are fighting at the sky so I need to choose carefully. Ngunit wala akong damit na kaya akong paliparin ng matagal sa himpapawid. So I chose the basic and the first clothing that I had and equipped Midnight. Hindi ko alam pero parang hinihila ako ng gravity pataas mula sa aking sinasakyan kaya't bumitaw ako at hindi na ako nagulat nang maramdaman ko nalang ang sarli ko na lumulutang sa hangin.

Ang maliwanag na kalangitan ay unti-unting dumilim hanggang sa magpakita ang buwan— sa aking likuran, at napakalaki nito. Ngunit sa isang normal na buwan, unti-unti itong mas lalong dumidilim hanggang sa maging pamilyar ako sa kulay nito. An eclipse… that turned into a blood moon as the sword I am holding decrease its weight until it became a katana with pointed sword— so pointed that it could slash even a wind.

Doon ko lang napansin na nahinto ang lahat at nakatingin na sa akin. Mabilis na nakabawi ang nasa kabilang panig na mabilis na tumira ng palaso sa akin ngunit mabilis na humarang si Alpha sa aking harap at sinagi iyon. Base sa dereksyon ng hangin, malakas ang pagkakatirang iyon. Huminga ako ng malalim. Tumingin ako ng deretso sa harapan at inangat ang espada.

“We are not here to fight,” Kalmado kong sabi. “If you drop all your weapons, we will also drop ours. We don't have to fight if we can fight together, right?” Ngunit imbis na makinig, ay tumawa lang ng malademonyo ang isa sa kanila.

“Fighting together? What a joke!” Dahil sa sinabi nito ay mas lalong nagtawanan ang lahat. “Did you know that we are trapped in this world? So, now, that we are, of course we will do whatever we want! And we want to be on top! So that we can command other players and be our slaves! Isn't it fun?” The group of players cheered after what one of them said. Kumunot naman ang noo ko dahil sa pinapalabas ng mga ito.

“But you are on top. I know you! So in able to be on top—” Nakita kong nagsipaglabasan ang mga sandata ng mga iyon at tama nga ang sinasabi nila. They are using the nephilim's weapons. “—Eliminate the highest!” Sigaw ng isa at sabay-sabay na sumugod.

I heard Alpha cursed. “Tsk, they will regret it.” He whispered as he looks at me, giving me a peck on lips before he winked at my shock. Natauhan lang ako nang maramdaman ko ang pagboost ni Yvonne sa amin at nang makita kong nagsisimula na ang mga itong maglaban.

Mabilis akong sumugod pababa at nakipaglaban rin. The katana I am using is so light that I can move faster than usual. Hindi naman malayo ang agwat ng mga kalaban sa amin dahil mabibilis itong nakakasabay sa aming pakikipaglaban, ngunit ramdam ko na lahat ng iyon ay mula lamang sa sandata nilang gamit.

Some of them are using the nephilim's weapon— which are the one who seems superior than others. Hindi nalalayo ang iba dahil mga nasa top levels na ang equipment na gamit ng mga ito hindi katulad sa amin na sadyang sa kilos lang bumabawi. Ang nakakapagtaka lang, saan nila nakuha ang mga sandatang ito? It was like they cheated but I know there's no cheat in the world like this. Not that we are inside of it. The one who's moving on our owns.

Sinangga ko ang atake ng isang lalaki na ngumisi nang makaharap ako. “A pleasure to fight with the Nightingale.”  Nanlaki ang mata ko dahil paano nito nalaman ang pangalan ko kahit na nakatago iyon?

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon